QC HALL OF JUSTICE BINULABOG NG BOMB THREAT

RUMESPONDE ang Quezon City Police District sa napaulat na bomb threat sa loob ng Quezon City Hall of Justice sa Brgy. Central, Quezon City nitong umaga ng Pebrero 27.

Dakong 8:48 a.m., nakatanggap ng text message ang isang clerk-in-charge hinggil sa umano’y banta ng bomba.

Agad na nagsagawa ng area monitoring ang Kamuning Police Station 10 habang nagpanel at sweeping operations ang QCPD Explosive Ordnance Disposal Unit.

Bandang 11:05 a.m., idineklarang negatibo sa anomang pampasabog ang gusali matapos walang makitang mapanganib na materyales.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Quezon City District Anti-Cybercrime Team para matukoy ang nagpadala ng text message.

Nanawagan ang QCPD sa publiko na manatiling mapagbantay at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa mga awtoridad o tumawag sa E911/QC Helpline 122.

(PAOLO SANTOS)

4

Related posts

Leave a Comment