BATAAN – Tuluyan nang hindi nagising ang natutulog na dalawang babae, at isang rider ang namatay rin makaraang araruhin ng trailer truck ang isang motorsiklo at isang bahay sa Purok 5, Barangay Bangal, sa bayan ng Dinalupihan sa lalawigan. Dead on the spot ang tatlo matapos na salpukin ng truck ang isang motorsiklo bago nagtuloy-tuloy sa isang bahay kung saan natutulog ang dalawang biktima. Ayon sa ulat ng Dinalupihan Municipal Police Office, kinilala ang namatay na motorcycle rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, ng Olongapo City, namatay naman sa…
Read MoreDay: June 16, 2024
KAHIT SA PAGGAMIT NG SARANGGOLA, KAILANGAN PA RIN MAG-INGAT
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA panahon ngayon, sobrang madali na ang maghanap ng mapaglilibangan dahil sa dami ng pagpipilian. Kaya medyo nagulat ako nang malamang marami pa rin pala ang nagpapalipad ng saranggola kahit dito sa Metro Manila. Nakatutuwa rin kasi na sa kabila ng inobasyon at dami ng mga libangang dala ng technological advancements, nakapagbibigay pa rin ng kasiyahan ang ganitong mga simpleng bagay. Pero nakababahala rin na marami rin palang insidente kung saan ang pagpapalipad ng saranggola ay nagdudulot ng perwisyo o ng aksidente. Mayroon ngang kumalat…
Read MoreMGA HAKBANG NI GOVERNOR HELEN TAN SA PAGPAPALAKAS NG KOMUNIDAD
TARGET NI KA REX CAYANONG SA patuloy na pagpupunyagi ng pamahalaang panlalawigan sa Quezon, ipinakita ni Governor Doktora Helen Tan ang kanyang walang pagod na dedikasyon sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto at aktibidad na naglalayong maghatid ng tulong at kaunlaran sa bawat bayan. Ang kanyang kamakailang mga gawain ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, kahusayan, at malasakit sa kapwa, na naging inspirasyon para sa mamamayan at mga opisyales ng lalawigan. Noong Hunyo 7, sa bayan ng General Luna, ipinamahagi ang sampung bagong barangay service vehicles. Ang mga…
Read MorePOGO: BENEPISYO O PERWISYO?
NANAWAGAN na rin ang Chinese Embassy na ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Pilipinas. Nakagugulat ang panawagang ito ng China dahil sa tensyong namamagitan sa pagitan ng bansa at ng Pilipinas hinggil sa teritoryo ng katubigan. Ngunit malinaw na para sa proteksyon ng mamamayan ng China ang isinusulong ng panawagan, dahil ayon mismo sa Embahada nito ay karamihan ng Chinese citizen na sangkot sa mga kaso ay biktima ng Philippine offshore gambling industry. Tinututulan din nito ang anomang walang basehang akusasyon laban sa China sa isyu sa POGO.…
Read MoreES BERSAMIN SABLAY SA PAGTALAGA KAY MANG KANOR SA BI
SA hinaba-haba ng prusisyon at kagustuhang makabalik sa dati nitong puwesto sa ahensya ng pamahalaan ay nakuha pa rin ni alias “Mang Kanor” na magawan ng paraan ng pamahalaan na mabigyan ito ng puwesto sa Bureau of Immigration (BI) bilang karagdagang deputy commissioner. Kamakailan ay nanumpa itong dating deputy commissioner ng nakaraang administrasyon kay Executive Secretary Lucas Bersamin bilang pangatlong deputy commissioner ng kasalukuyang rehimen, at sa pagkakataong ito ay nagkagulo ang ahensya kung saan kukunin ang pampasuweldo ng BI sa dagdag na posisyon na itinalaga sa kanya. Ayon sa…
Read MoreAFP ‘DI MAGPAPATINAG SA ANTI-TRESPASSING RULE NG CHINA SA WPS
HINDI magpapatinag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtupad sa kanilang mandato sa gitna ng bantang pagpapairal ngayon ng Anti-Trespassing rule ng China sa kanilang nasasakupan kasama ang pinag-aagawang mga teritoryo na saklaw ng West Philippine. Ang nasabing bagong regulasyon ng China na nagbibigay ng kapangyarihan sa kanilang coast guard na hulihin at idetine ang sinomang mahuhuling nanghihimasok sa kanilang teritoryo, ay saklaw umano ng kanilang imaginary 10 dash line. Tiniyak kahapon ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner Jr., na may mga paghahanda silang ginawa kasama…
Read MoreSOUTH KOREAN ARESTADO SA FINANCIAL FRAUD
INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean na wanted sa mga awtoridad sa Seoul, dahil sa pagkakasanggkot sa financial fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si You Hyun Tea, na nakorner sa Cordova, Cebu ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU). Sinabi pa ni Tansingco, si You ay pababalikin sa South Korea bilang kautusan sa summary deportation na inisyu ng BI Board of Commissioners noong 2021. “He was arrested on the strength of a deportation warrant that was…
Read MoreTRAFFIC ENFORCER NATAGPUANG PATAY SA VAN
PATAY na nang matagpuan ang isang MMDA traffic enforcer sa loob ng isang sasakyan sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at Pureza Street, Sampaloc Manila nitong Biyernes ng umaga Kinilala ang biktimang si Redentor Galura, tinatayang 50 hanggang 60- anyos at residente ng Tondo, Manila. Ayon sa salaysay ng isang Ricky Cureg, isang MMDA traffic Enforcer, bandang alas-8:45 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng puting Hyudai van. Agad namang nagresponde sina Police Corporal Subido at Patrolman Sumer para imbestigahan ang insidente. Inaalam pa ng mga awtoridad…
Read MoreSANTIAGO BAGONG NBI DIRECTOR
Bilang na ang mga araw ng notoryus sa bansa matapos hirangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tinaguriang “sharpshooter” ng Manila Police District (MPD) na si Jaime “Jimmy” Santiago. Si Santiago, pasok sa NBI bilang bagong director kapalit ni director Medardo de Lemos na “out” sa posisyon. Siya ay nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Nagtapos si Santiago sa abogasya sa Manuel Luis Quezon University (MLQU) noong 1993 habang nagsilbi itong kagawad ng pulisya. Tinagurian itong “sharpshooter” noong 1979 nang pumasok sa MPD. Bago naging judge si Santiago…
Read More