KAGAWAD PATAY SA RUSSIAN ROULETTE

CAVITE – Patay ang isang incumbent kagawad nang maglaro ng Russian roulette habang nakikipag-inauman sa kanyang mga kaibigan sa bayan ng Indang sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Poblete Hospital ang biktimang isang barangay kagawad ng Brgy. Circa, dahil sa tama ng bala ng .45 kalibreng baril sa kanyang lalamunan. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Michael Crisostomo ng Indang Police Station, bandang alas-7:35 ng gabi nang mangyari ang insidente. Nakikipag-inuman umano ang biktima sa ilang kaibigan para sa selebrasyon ng kapistahan sa Brgy. Tambo Kulit, Indang,…

Read More

TRAVEL AGENCY SA MALOLOS IKINANDADO NG DMW

AGAD na ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency na umano’y naging illegal recruiter ng overseas Filipino workers (OFW), sa Malolos, Bulacan kahapon, Biyernes. Mismong si Undersecretary for Licencing and Adjudication service Bernard P. Olalia ang nanguna sa pagkandado ng nasabing establisyemento sa Barangay Catmon sa Lungsod ng Malolos. Base sa mga reklamo at sumbong na nakarating sa ahensiya ng DMW mula sa mga nabiktima ng umano’y illegal recruitment, kumpirmado ang natanggap nilang report kaya agad na isinagawa ang pagsalakay sa High Dreamer Travel and Tours…

Read More

DALAW SA KULUNGAN, HULI SA PASALUBONG NA DROGA

CAVITE – Deretso sa kulungan ang isang babaeng dalaw sa isang preso makaraang mahulihan ng ilegal na droga na nakasiksik sa pagkaing dala nito sa piitan sa Imus City, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Jemie”, isang dalaw sa Imus City Component Station Lock-up Cell. Ayon sa ulat, bandang alas-5:40 ng hapon nang dumalaw si Jemie sa Imus City Police Station Lock-up cell sa Brgy. Malagasang 1G, Imus City, bitbit ang pagkain at ilang personal na gamit para sa isang Person Under Police Custody (PUPC) na…

Read More