Humabol din sa huling araw ng COC filing si incumbent Lucena City Mayor Mark Victor Alcala at tatay nitong incumbent Vice Mayor Roderick Alcala bilang mga reelectionist sa kanilang mga posisyon. Kasamang nag-file ng mag-amang Alcala ang buong line-up ng kanilang Sangguniang Bayan sa ilalim ng partidong STAN, ang lokal political party ni incumbent Quezon Governor Helen Tan. Sa pagpa-file ng batang Alcala, natapos ang mga espekulasyon na tatakbo ito bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan kalaban si Incumbent Congressman David Suarez na una nang naghain ng kanyang kandidatura.…
Read MoreDay: October 9, 2024
BATANG REMULLA, REVILLA SA CAVITE
Sa huling araw ng filing ng COC ay nagsumite sina Beng Remulla, anak ni Justice Secretary Crispin Remulla at Ram Revilla, bunsong anak ni Senator Bong Revilla bilang Governor at Vice Governor ng lalawigan ng Cavite, bandang alas-10:15 kahapon ng umaga sa Comelec Provincial Office sa Trece Martires City. Sinamahan ang dalawa nina Senator Bong Revilla, Lannie Mercado at Jolo Revilla. Ang dalawa ay nagsumite ng kanilang COC makaraang italaga si Governor Jonvic Remulla bilang Secretary of the Interior and Local Government (DILG). Nag-withdraw naman ng kandidatura si Vice Governor…
Read MoreISKO BABALIK SA MAYNILA
Naghain din kahapon ng COC si dating Manila mayor Isko Moreno Domagoso para sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod. Nagmistulang blockbuster na pelikula ang paghahain ni Yorme ng COC sa Comelec filing site sa Cinema 12 SM Manila dahil sa pagbuhos ng kanyang mga tagasuporta. Mula sa bahagi ng Arroceros Park, sa Kartilya hanggang SM Manila ay hindi mahulugang-karayom sa dami ng tao na nagpakita ng suporta sa dating alkalde. Kasamang naghain ng COC ni Yorme ang kanyang pamilya kung saan tumatakbo ring city councilor ang anak nitong si…
Read MoreHirit ng AKOOFW party-list VP SARA ITALAGANG OFW CZAR
SA gitna ng mga problemang kinakaharap ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa, napapanahon ang pagtatalaga ng overseas Filipino worker (OFW) czar sa katauhan ni Vice President Sara Duterte. Binigyang-diin ito ng Advocates and Keepers Organization of OFW Inc. o mas kilalang AKOOFW Party-list sa kanilang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections sa Tent City Manila Hotel sa lungsod ng Maynila. Sa pagtatanong ng mga mamamahayag Kay Dr. Chie Umandap, ang first nominee ng AKOOFW Party-list, sinabi nito na mas makabubuti na magkaroon muna ng pagkakaisa…
Read MoreKONTRATA NG COMELEC AT MIRU SISILIPIN NG SENADO
(DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Risa Hontiveros na busisiin ng Senado ang kontrata ng Commission on Elections sa Miru Systems na napiling mag-supply ng voting machines na gagamitin sa 2025 National at Local Elections. Sinabi ni Hontiveros na dapat gamitin ng Senado ang kanilang oversight function sa pag-iimbestiga sa kontrata. Ito ay kasunod ng nakababahala anyang sitwasyon ng Miru makaraang mag-withdraw sa joint venture ang isa sa tatlong kasosyo nito na St Timothy Construction Corporation. Tanong ng senadora kung ano ang epekto nito sa kabuuan ng kontrata dahil sa pagkakaalam…
Read MoreTEODORO NILINAW DESISYONG TUMAKBO BILANG KONGRESISTA NG MARIKINA
BILANG tugon sa pahayag ni Senador Koko Pimentel, nilinaw ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na ipinarating ng senador ang intensyong kumalas sa kanilang alyansa sa pamamagitan ng text message na ipinadala tatlo o apat na buwan na ang nakalipas. “Mas maging maayos daw ang kanilang pagkilos kung wala sila sa alyansa,” wika ni Teodoro, na nagpahaging pa na nais ni Pimentel na mapanatili ang relasyon sa parehong Teodoro at Quimbo. “Ginalang naman namin yung decision na iyan. Kaya napilitan kami maghanap ng kandidato para sa 1st District,” dagdag pa…
Read More