(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA puno ng panghihinayang ang unang executive secretary ng Marcos admin sa lihis na atensyon ng Kongreso dahil imbes pagtugon laban sa korupsyon at iba pang pangunahing problema ng bansa ay ang pag-usig sa mga kalaban sa pulitika ang kanilang inuuna. Sa panayam sa VMR Channel, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na imbes pagtuunan ng pansin ng mga kongresista ang korupsyon ng kasalukuyang administrasyon ay puro pamumulitika ang kanilang ginagawa. Partikular na kinuwestiyon ni Atty. Rodriguez kung nasaan ang milyun-milyong pisong pondo ng 5,500 flood control…
Read MoreDay: November 17, 2024
50 PERCENT DISCOUNT SA REMITTANCE FEES NG OFWs PASADO NA
INAPRUBAHAN na sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bawasan ng kalahati ang service fees na binabayaran ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Sa pamamagitan ng viva voce voting, nanaig ang aye o yes vote sa House Bill (HB) 10959 at inaasahan na pagtitibayin na ito sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo kung saan magkakaroon ng nominal voting. Ginawa ang batas para proteksyunan ang mga OFWs na pinagkakakitaan umano ng mga financial institutions dahil sa napakataas na remittances fees na sinisingil sa…
Read MoreVP SARA, DIGONG READY SA ICC
(CHRISTIAN DALE) NAGHAHANDA ang mag-amang Vice President Sara Duterte at dating pangulong Rodrigo ‘Digong” Duterte para harapin ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong ‘war on drugs’ sa ilalim ng nagdaang administrasyon. Sinabi ni VP Sara na bagaman hindi siya pormal na bahagi ng ICC investigation, naghahanda pa rin siya para rito. “Sa akin, wala pa naman eh. Sabi ng mga tinatanong namin wala naman ako doon sa complaint. Wala pa ako doon sa investigation. Wala pa lahat pero naghahanda,” ang sinabi ni VP Sara. Inamin ni VP…
Read MoreQUIMBO PINURI MARIKINA LGU SA PAGHAHANDA SA BAGYONG PEPITO
PINURI ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang paghahanda ng lokal na pamahalaan sa pagdating ng Bagyong Pepito. Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Quimbo na nag-ikot siya sa mga paaralan at evacuation center na inihanda ng lokal na pamahalaan para tingnan ang kahandaan nito. “Sa mga lilikas sa evacuation centers, na-check na po natin ang mga schools, napakalinis po,” wika ni Quimbo. “Sana po, kung paano po natin nadatnan ang evacuation centers sa ating pagdating, sana po ganun din kalinis sa ating pag-uwi,” dagdag pa niya. Nag-ikot din…
Read MoreMOVE IT, GRAB INIREKLAMO SA PAGTAAS NG PAMASAHE, PAGKANSELA NG BOOKING
HABANG papalapit ang Pasko, pumapalag ang mga commuter sa biglaan umanong pagtaas ng pamasahe ng Grab at Move It kahit hindi rush o peak hours. “Dati, wala pang isandaan ang binabayaran ko sa Move It mula sa work hanggang office. Pero ngayon, naging P140 kahit maaga ako umaalis sa bahay,” wika ng isang netizen. “Bukod sa mahirap na mag-book sa Grab, sobrang taas na rin ng pamasahe nila. Kahit hindi peak hours, mahal pa rin ang kanilang singil,” dagdag naman ng isa pa. Bukod sa nagmahal na pamasahe, napansin din…
Read MorePAGSUSUMITE NG GUN BAN EXEMPTION APPLICATION SIMULA NA
PINASIMULAN ngayong Lunes ng Commission on Election ang paghahain ng aplikasyon para sa gun ban exemption kaugnay sa gaganaping May 2025 Midterm Election. Ayon sa COMELEC, lahat ng exempted sa gun ban ay kailangan mag-apply para mabigyan ng certificate of authority na gagamitin upang payagan ang isang awtorisadong indibidwal na magdala ng baril sa panahon ng eleksyon na magsisimula sa Enero 12 hanggang Mayo 28, 2025. Nilinaw naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang mga awtomatikong exempted na sa gun ban ay hindi na kailangang mag-apply pa, katulad ng…
Read More4 DAM BINUKSAN, 75K KATAO NASA 566 EVACUATION SITES
NAPANATILI ng Super Typhoon Pepito ang lakas nito at posibleng makapinsala at maging banta sa buhay habang nagbabadyang manalasa sa hilagang bahagi ng Luzon bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility. Kahapon ay naglabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA state weather bureau, para sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Pepito matapos mag-landfall sa Quezon. Bilang paghahanda sa posibleng malawakang pagbaha, binuksan ang gate ng ilang dam sa Luzon nitong Linggo ng umaga upang magpakawala ng tubig bago pa magbuhos ng malakas na pag-ulan si Pepito (international…
Read MoreHALOS 5K KATAO STRANDED KAY ‘PEPITO’
UMAABOT sa 4,642 katao ang stranded sa mga pantalan dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng Bagyong Pepito, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Mga truck driver, pahinante at mga pasahero ang nananatiling nakaantabay para sa kanilang mga biyahe. Samantala, 1,897 rolling cargoes, 31 vessels at 22 motorbanca rin ang stranded sa mga pantalan. Bukod pa ito sa 256 na barko at 208 na motor banca na pansamantalang nakikisilong sa ibang pantalan dahil din sa bagyo. Ang mga naturang pantalan na apektado ay mula sa Bicol Region na may…
Read MoreLocal manufacturers nagpasaklolo kay Rep. Tulfo PAGPASOK NG CHINA-MADE PRODUCTS SISILIPIN SA KAMARA
ISASALANG sa pagdinig ngayong umaga sa Kongreso ang reklamong inilapit ng mga local appliance manufacturers kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS party-list laban sa mga produktong galing China. Ayon kay Rep. Tulfo, inimbitahan ang iba’t ibang local appliance manufacturers ng Pilipinas sa pagdinig ngayong umaga ng House committee on Trade and Industry dahil sa kanilang sumbong noong nakaraang buwan na pinapatay ng mga produktong galing China ang mga produkto ng Pilipinas. “Halos 300,000 na manggagawang Pinoy ang mawawalan ng trabaho kung magsasara ang mga factory ng mga…
Read More