HALOS 5K KATAO STRANDED KAY ‘PEPITO’

UMAABOT sa 4,642 katao ang stranded sa mga pantalan dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng Bagyong Pepito, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Mga truck driver, pahinante at mga pasahero ang nananatiling nakaantabay para sa kanilang mga biyahe.

Samantala, 1,897 rolling cargoes, 31 vessels at 22 motorbanca rin ang stranded sa mga pantalan.

Bukod pa ito sa 256 na barko at 208 na motor banca na pansamantalang nakikisilong sa ibang pantalan dahil din sa bagyo.

Ang mga naturang pantalan na apektado ay mula sa Bicol Region na may 12 habang 3 sa Eastern Visayas, 18 sa Southern Tagalog, lima sa Central Visayas at tatlo pa sa Western Visayas.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Pepito ngayong araw.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ang patuloy na mga pag-ulan kaya idineklarang walang pasok ang face-to-face classes sa ilang paaralan ngayong Lunes.

Kabilang sa mga walang pasok sa (All level, public at private) ang Baguio City, Bulacan, Laguna, Nueva Ecija, Tarlac at Pangasinan. Posibleng madagdagan pa ang listahang ito depende sa lagay ng panahon ngayong araw. (JULIET PACOT)

60

Related posts

Leave a Comment