INILUNSAD ng Philippine Postal Corporation (PHLPost), sa pangunguna ni Postmaster General Maximo Sta. Maria III, kasama sina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Vice Mayor Chie Atienza, ang 2025 Christmas Stamps, tampok ang “The Nativity”—isang makulay na paglalarawan ng kapanganakan ni Jesus Christ na inspirado sa mga minamahal na tradisyon ng Pasko ng Pilipino.
Ginanap ang paglulunsad ng selyo kasabay ng seremonya ng “Pailaw ng Pasko sa Kartilya ng Katipunan” (City Hall Park) noong Biyernes, Disyembre 5.
Isang “Pagkilala sa Pananampalataya at Tradisyon ng Pilipino”, ang tampok na likhang-sining ay nagha-highlight sa Belen, ang tradisyong Pilipino na paglalarawan ng eksena ng Nativity, na naglalarawan sa Pamilya ng Diyos—Mary, Joseph, at ang sanggol na si Jesus sa sabsaban—kasama ang Tatlong Pantas.
Sumisimbolo ang ilustrasyon sa kahalagahan ng pamilya, pananampalataya, at pag-asa sa pagdiriwang ng Pasko sa buong bansa.
“Ang Nativity Stamp ay isang pagpupugay ng PHLPost sa malalim na pananampalatayang Kristiyano ng bansa,” sabi ni Postmaster General Sta. Maria.
“Sa pagtampok sa mapagpakumbabang kapanganakan ni Jesus Christ, inaasahan naming paalalahanan ang bawat Pilipino ng mensahe ng pag-asa, pagpapakumbaba, at pagmamahal na dala ng Pasko.”
Disenyo at Tampok ng Selyo ang 2025 Christmas Stamp na may sukat na 50 mm x 35 mm at nagtatampok ng espesyal na gold foil embellishments upang bigyang-diin ang mga sagrado at masayang elemento ng disenyo.
Ang likhang-sining at layout ay ginawa ng in-house graphic artist ng PHLPost na si Eunice Dabu.
(JOCELYN DOMENDEN)
14
