THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HINDI maikakaila na napakahalaga ng access sa kuryente dahil isa itong pundamental na bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Bagama’t hindi naman ito problema sa maraming bahagi ng bansa kagaya ng Metro Manila, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nabibigyan ng oportunidad na umunlad dahil sa kawalan o kakulangan ng serbisyo ng kuryente. Isa kasi sa nakikitang pagsubok sa bansa ang pagiging archipelagic nito, at talagang maraming mga isla ang nakahiwalay o sadyang malayo kaya isang pagsubok ang pagsisigurong mayroon ding sapat at…
Read MoreDay: February 10, 2025
CONG. VIRGILIO “VG” LACSON: TAGAPAGTAGUYOD NG MATIBAY NA PUNDASYON NG BAYAN
TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG ISANG mahalagang hakbang para sa pagbuo ng mas ligtas at matatag na Pilipinas ang muling ipinakita ni Manila Teachers Party-list Representative Cong. Virgilio “VG” S. Lacson kamakailan. Dumalo kasi si Cong. VG sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) para sa kumpirmasyon ng 36 na matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang na ang mga heneral, flag officers, at senior officers, pati na rin ang 19 na pangunahing opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA). Ang aktibong partisipasyon ni…
Read MoreNAKAKAIYAK NA USAPIN SA SIBUYAS
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPAPAIYAK ka rin ba kapag naghihiwa ng sibuyas? Sa paghiwa pa lang, iyak ka na. Pero sa mga magsasaka, humahagulgol na sila kapag sibuyas ang pinag-uusapan. Kahit nga hindi magsasaka ay aatungal sa desisyon ng Department of Agriculture na payagan ang mas maraming aangkating sibuyas sa panahon ng anihan. Payag ba naman ang DA na mang-angkat ng 3,000 metric tons ng pulang sibuyas at 1,000 metric tons ng puting sibuyas na inaasahang darating sa susunod na dalawang linggo. Paliwanag ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.,…
Read MoreSa kabila ng kakulangan sa military assets PROTEKSYON SA SOBERANYA NG PH TINIYAK NG AFP, PCG
TINIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine at maging ng Philippine Coast Guard (PCG), na hindi hadlang ang kakulangan ng mga asset para bantayan ang karagatan ng bansa at igiit ang karapatan sa mga inaangking teritoryo. Ayon kay AFP Public Affair Office chief, Col. Xerxes Trinidad, nanatiling matatag ang kanilang paninindigan na ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas at protektahan ang territorial integrity ng bansa, gamit ang anomang kagamitan na mayroon sila, nang naaayon sa international law. “Even with limited resources compared to other foreign powers, the AFP, together…
Read More30 PAMILYA SA BACOOR, NASUNUGAN
CAVITE – Tinatayang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-5:15 ng umaga nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Tabing Dagat, Brgy. Maliksi 2, Bacoor City hanggang sa nadamay ang katabing mga bahay na pawang gawa sa light materials at umabot sa ikalawang alarma. Mabilis namang nagresponde ang iba’t ibang pamatay-sunog at nang humupa ang apoy ay tinatayang 20 kabahayan ang nadamay. Idineklarang fire-out ng Bacoor City Bureau of Fire Protection…
Read MorePOLICE CORPORAL, TINAMAAN NG BALA SA FIRING RANGE?
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police kung aksidenteng tinamaan ng bala ng baril ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) habang nagsasagawa ng pagsasanay sa gun proficiency sa mga kadete sa isang firing range sa loob ng kampo sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si Police Corporal Renante Marolina y Sino, 29, tubong Digos City, Davao Del Sur at nakatira sa PNPA Tactics Male Barracks sa Brgy. Tartiara, Silang, Cavite dahil sa sugat sa…
Read MoreNAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS SA BULACAN, BINALAAN
NANAWAGAN si Vice Governor Alex Castro ng Bulacan na dagdagan ang pagbabantay at seguridad laban sa fake news para matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa lalawigan. Sa kanyang privilege speech sa Sangguniang Panlalawigan Session noong Pebrero 6, binigyang-diin ni Castro ang pangangailangan na palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng takot at kaguluhan. Hinimok niya ang publiko na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon, tinitiyak na tama, napatunayan, at hindi nakapanlilinlang. Pinaalalahanan ng bise gobernador ang mga Bulakenyo tungkol sa kahalagahan…
Read MoreAtty. Rodriguez sa publiko: ‘Wag palilinlang ANOMALYA SA BUDGET HINDI IMPEACHMENT
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DIVERSIONARY tactics ang isinampang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Pahayag ito ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez kaugnay sa aksyon ng Kamara na pagpapatalsik sa Bise Presidente. Sa kanyang official Facebook page, pinayuhan ni Atty. Rodriguez ang publiko na huwag alisin ang atensyon sa totoong usapin ng bayan – ang kontrobersyal na 2025 national budget. Aniya, ang impeachment ay layong ilihis ang usapin sa higit na malaki, maanomalya at unconstitutional na 2025 budget. “..kaya ‘wag po tayong mawawala dun sa tunay na usapin…
Read MoreSa P241-B ‘singit’ sa GAA ROMUALDEZ, CO, DALIPE KAKASUHAN
(BERNARD TAGUINOD) SASAMPAHAN ng kaso ngayong araw sa Quezon City Prosecutors’ Office si House Speaker Martin Romualdez at dalawa pang mataas na opisyal ng Kamara kaugnay ng P241 billion insertions umano sa 2025 General Appropriations. Pangungunahan ni dating House Speaker at ngayo’y Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Romualdez, dating House appropriations committee chairman at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co at House Majority Leader Jose Manuel Dalipe. Katuwang ni Alvarez sina Attys. Jimmy Bondoc, Ferdinand Topacio, at Citizens Crime Watch president…
Read More