PAGBABAKUNA LABAN SA ASF IKINATUWA NG AGRI SECTOR

IKINATUWA ng samahan ng mga magbababoy partikular ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Party-list ang mabilis na tugon ng pamahalaan sa kanilang inilahad na mga suliranin sa Quinta Committee hearing kamakailan kaugnay sa mga hamon na nakaaapekto sa sektor ng agrikultura gaya ng kakulangan sa ASF vaccine. Ayon kay AGAP Party-list Rep. Nicanor “Nick” Briones, sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes na maaaring magkaroon ng go signal ang commercial vaccination laban sa African swine fever (ASF) sa Abril. Aniya, sinabi ni DA Assist. Sec. Arnel…

Read More

UMIINIT NA POLITICAL DRAMA HABANG NAGSISIMULA ANG ELEKSYON

GEN Z TALS ni LEA BAJASAN NAGSIMULA na ang panahon ng eleksyon at ito ay parang isang magulong teleserye. Ang mga politiko ay abala sa pakikipagkamay, pagbibigay ng mga talumpati at paggawa ng mga pangako na parang napakaganda para maging totoo. Ang iba ay nakangiti para sa mga camera habang ang iba naman ay kaliwa’t kanan ang mga akusasyon. Ang bawat rally ay pinaghalong entertainment at diskarte, ngunit sa likod ng ingay ay isang seryosong labanan para sa kapangyarihan. Sa pagkakataong ito, mas matindi ang panahon ng kampanya dahil sa…

Read More

TUMATAKBO PA LANG ABUSADO NA?

NANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT KAILANGANG mag-ingat ang mga tao sa pagpili ng mga party-list organization na iluluklok nila sa Kongreso at siguraduhin na sila ay kakatawanin talaga at hindi para magkaroon lang ng kapangyarihan. Dapat ding isalang-alang ang asta ng nominees sa pagpili ng mga party-list o kahit ‘yung mga tumatakbo sa isang posisyon mula sa Senado hanggang sa konsehal ng bayan at lungsod sa buong bansa dahil baka umabuso lang ang mga iyan kapag binigyan natin sila ng pagkakataon na magkaroon ng kapangyarihan. Nasabi ko ito dahil sa nag-viral…

Read More

KUMPISKASYON NG LUXURY VEHICLES NG BOC PAPOGI LANG?

PUNA ni JOEL O. AMOGO NA-PUNA natin kung bakit nakalulusot ang luxury vehicles papasok sa bansa nang hindi nalalaman ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC). Ang tinutukoy po natin ay ang nakumpiska ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service at Manila International Container Port (CIIS-MICP) ng Bureau of Customs (BOC), na luxury vehicles sa isang warehouse sa Makati City noong nakaraang araw. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Ferrari, Porsche at McLaren na nagkakahalaga ng 366 milyong piso. Nitong nakaraang Pebrero 13, 2025, nakasabat din ang…

Read More

OFW SA SAUDI ARABIA, SINAKTAN SA MASELANG BAHAGI NG KATAWAN NG ANAK NG EMPLOYER

AKO AT OFW NI MIGO UMANDAP DUMULOG si Tarlac City Mayor Christy Angeles sa AKO OFW sa Saksi Ngayon, upang idulog ang karaingan ng isang overseas Filipino worker (OFW) na si Olivia Rivera na nakipagsapalaran sa Saudi Arabia. Sa kwentong ibinahagi ni Olivia kay Mayor Angeles, siya umano’y sinasaktan ng anak ng kanyang employer na pinagtatrabahuan. Ilang beses na nangyari nang siya’y sabunutan, sipain at may pagkakataon pang sinusuntok siya sa maseselang bahagi ng kanyang katawan. Minsan pa raw ay siya ang sinisisi kapag mayroong nasisirang gamit kahit hindi naman…

Read More