P900-M LUXURY CARS NADISKUBRE SA ISA PANG BODEGA

ISA na namang bodega ng hinihinalang smuggled luxury cars ang sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa pangunguna ng Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port (CIIS-MICP), sa Taguig City.

Sinasabing P900 million ang halaga ng 44 units ng suspected smuggled cars.

Nadiskubre sa loob ng Auto Vault Speed Shop sa Brgy. Ususan, Taguig City ang mas maraming maraming high-end luxury vehicles na ayon kay CIIS – MICP Director Verne Enciso, nakapasok ito sa bansa nang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Kabilang sa mga nadiskubre ng grupo ni Enciso ang Rolls Royce Cullinan, Lamborghini, Ferrari, Maserati Levante, Mercedes, Porsche at iba pang mamahaling sasakyan.

Ayon kay Enciso, halos dalawang linggo ang kanilang ginugol sa surveillance operation bago nagkaroon ng positibong resulta at pagkakatuklas sa 44 na mamahaling sasakyan.

Binigyan ng 15 araw na palugit ang may-ari na makapagsumite ng mga dokumento at mga binayarang duties and taxes matapos na silbihan ng Letter of Authority (LOA).

“The BOC’s intelligence unit has always been on heightened alert against smuggling operations but I still have to commend this string of operations that led to already billions worth of smuggled luxury cars that these unscrupulous individuals, organizations, and underground businesses have carried to our shores,” ayon kay Comm. Bienvenido Rubio.

Ito ang ika-apat na operasyon nina Enciso, nauna silang nagkasa ng raid sa mga warehouse sa Parañaque City, Pasay City, at Makati City na nagbebenta ng imported luxury vehicles. (JESSE KABEL RUIZ)

41

Related posts

Leave a Comment