MAG-AMA NAGTALO, LIVE-IN PARTNER NG ANAK NASAKSAK

CAVITE – Sugatan ang isang 27-anyos na consultant nang masaksak ng ama ng kanyang live-in partner matapos nitong salagin ang patalim sa gitna ng pagtatalo ng mag-ama sa Imus City noong Biyernes ng madaling araw. Nakatakdang sampahan ng kasong attempted homicide si alyas “Lito”, 45, isang pedicab driver, ng Brgy. Anabu 1-C, Imus City, dahil sa reklamo ni alyas “Jimmy”, 27, live-in partner ng anak ng suspek. Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at anak nitong babae sa kanilang bahay sa Brgy. Anabu 1-C, Imus City,…

Read More

OBRERO NAGPALAMIG SA DAGAT, NALUNOD

BATANGAS – Nalunod ang isang construction worker nang magpalamig umano sa dagat makaraan ang kanyang trabaho sa Barangay Bagong Silang, sa bayan ng Calatagan sa lalawigan dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Dino Inducal Digno, 27, residente ng Molino 7, Bacoor, Cavite. Ayon sa imbestigasyon ng Calatagan Police, nangyari ang insidente nang mag-relax umano ang biktima kasama ng mga katrabaho, sa beach na katabi lamang ng construction site. Ngunit habang lumalangoy umano ang biktima nang mapadako ito sa malalim na bahagi ng dagat at tinangay ng…

Read More

2 LOLO NAGTALO SA BAKOD, 1 PATAY

QUEZON – Patay ang isang 73-anyos na lalaki nang saksakin ng 78-anyos na kapitbahay dahil sa pagtatalo sa bakod ng kanilang bahay sa Barangay Kapaluhan, sa bayan ng Calauag sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang namatay na biktima sa pangalang “Lolo Francis”, residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat ng Calauag Police, nangyari ang insidente bandang alas-7:30 ng umaga habang gumagawa ng bakod na barbwire ang biktima sa sakop ng kanyang lote at bahay. Ngunit kinompronta ito ng suspek na kinilalang si “Lolo Leo”, na kapitbahay nito. Nagtalo…

Read More

COMELEC NO COMMENT SA ALEGASYON NI SARA NA DAYAAN SA 2025 SENATORIAL ELECTION

“NO comment” ang Commission on Elections (Comelec) sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon ng dayaan sa nakaraang May 12 elections. Ngunit ayon kay Comelec Chairman George Garcia, iginagalang nila ang pahayag ng VP Sara at naniniwala silang malaya ang sinoman na magpahayag ng opinyon bilang bahagi ng demokrasya. Ito ay makaraang ipahayag ng Pangalawang Pangulo ng bansa, na may tatlo pang nanalo na miyembro ng kanilang partido PDP-LABAN, na tumakbo sa pagka-senador. Kasama rito sina Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc at Richard Moto. Sa isang pahayag, inatasan ni…

Read More

PINOY MAS GUSTO LESS POLITICS, MORE SERVICE – SURVEY

BUMABA ang approval rating ng Kamara ayon sa isang national survey na isinagawa ng HKPH Public Opinion and Research Center kasama ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong. Ayon sa survey, nakakuha lamang ng 45% approval rating ang House of Representatives, habang 43% ang hindi nasisiyahan at 12% ang undecided. Mas mababa ang nakuha ni House Speaker Martin Romualdez na may 39% approval at 46% dissatisfaction. Ayon kay Steven Su, program director ng survey, tumitindi ang pagkadismaya ng publiko sa pamunuan ng Kongreso—lalo na matapos ang mga pagkakamaling…

Read More

P20 BIGAS PROGRAM INILUNSAD NG DOLE, DA SA TONDO

INILUNSAD ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang P20 Bigas Program sa Tondo, Maynila nitong Biyernes. Ang P20 bigas o “Benteng Bigas, Meron Na!” program ng kasalukuyang administrasyon ay layong mabigyan ng P20 kada kilong bigas ang minimum wage earners para mapagaan ang kanilang gastusin. Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., katuparan ito ng pangakong kampanya ng Pangulo para sa mahihirap. Ayon naman kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ito ay malaking tulong sa pang-araw-araw na budget ng mga manggagawa. Paliwanag ni Laguesma,…

Read More

PULIS NA MANGANGAMOTE SA ‘PUTUKAN’ BABAWIAN NG BARIL NI TORRE

BABAWIAN ng baril ang mga pulis na babagsak sa “Proficiency Standards” ng pagpaputok ng baril. Sa ambush interview sa Camp Karingal sa ginanap na “3rd PNP Press Corps Invitational Shootfest”, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, na hihigpitan niya ang pagpapatupad ng standards na itinakda ng PNP- Directorate for Human Resource and Doctrine Development. Mismong ang hepe ng Pambansang Pulisya ang mangunguna sa pagsusuri at pagsusulit. Kung sakali aniya na bumagsak siya ay handa siyang agad magretiro. Hindi lamang mga baguhang pulis ang isasailalim sa pagsasanay kundi pati…

Read More

MAGANDANG BALITA PARA SA MERALCO CUSTOMERS: PRESYO NG KURYENTE MULING BUMABA

Sa ikalawang sunod na buwan, nag-anunsyo ang Meralco ng pagbaba sa presyo ng kuryente. P0.1076 kada kWh ang bawas ngayong Hunyo, dahilan kaya pumatak sa P12.1552 kada kWh ang kabuuang rate para sa pangkaraniwang pamilya. “Patuloy na mapapakinabangan ng aming mga customer ang mas mababang singil sa kuryente ngayong buwan na dulot ng mas mababang generation charge. Para sa mga tipikal na customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P22 na bawas sa kanilang kabuuang bill,” ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications…

Read More