BATANGAS – Nasagip ang tatlong turista ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group – Special Waterborne Operation, makaraang anurin ng malakas ng alon sa baybayin ng bayan ng Mabini sa lalawigan.
Ayon sa ulat ng PNP Maritime Group, habang lumalangoy noong Huwebes ng hapon ang mga turista sa harap ng isang resort nang bigla na lamang lumakas ang alon dahil sa habagat naging dahilan upang anurin ang mga ito.
Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Special Waterborne Operations School makaraang matanggap ang emergency call mula sa resort.
Gamit ang jetski at rubber boat, mabilis na isinagawa ang rescue operation at nailigtas ang mga turista.
Kaagad binigyan ng paunang lunas ang mga biktima sa gasgas sa kanilang paa at tuhod.
Muli namang nagpaalala sa publiko ang PNP Maritime Group na mag-ingat at maging mapagmatyag sa kondisyon ng dagat lalo na ngayong panahon ng habagat.
(TOTO NABAJA)
