BI COMMISSIONER VIADO, PROTEKTADO NI REMULLA?

BISTADOR ni RUDY SIM NASAAN ang katarungan kung ang mismong may hawak ng timbangan ng katarungan ay mayroong kinikilingan? Ito ang giit ng concerned Bureau of Immigration employees na sukang-suka na sa kaliwa’t kanang katiwalian sa ahensya sa pamunuan ng commissioner nito na si Joel Anthony Viado. Matatandaang isang white paper para sa Pangulo ang kumalat patungkol sa ilang reklamo diumano ng mga kawani ng BI sa patuloy na garapalan at kahina-hinalang mabilisang pagpapakawala sa mga Chinese national na nalambat ng intelligence division sa magkakaibang operasyon sa bansa. Tila naaabuso…

Read More

HEALTH ADVOCATES KINUWESTYON SA SC ZERO SUBSIDY NG PHILHEALTH

KINALAMPAG kahapon ng ilang grupo ng health advocates ang Korte Suprema upang kwestyunin ang zero subsidy ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Sa ilang pahinang petisyon, iginiit ng petitioners na nabigo ang Kongreso na paglaanan ng pondo mula sa sin tax ang state insurer na nakasaad sa batas. Aabot anila sa P69.81 billion ang dapat nakalaang pondo para sa ahensiya ngayong taon lamang mula sa buwis sa tobacco at matatamis na inumin. Hiniling din ng petitioners na atasan ang respondents na ibalik ang hindi na-remit na koleksyon sa nakalipas…

Read More

ABUSADONG DEPARTMENT, BUREAU CHIEFS SA MAYNILA KAKALUSIN

UUNAHIN ni incoming Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na kalusin ang mga department heads at bureau chiefs na umabuso sa tungkulin. Ang mga naglilingkod naman nang tama at maayos sa Manila City Hall na mga kasalukuyang pinuno ng mga kagawaran at kawanihan ay mananatili sa kanilang tungkulin. Babala ni Domagoso, tiyak na may kalalagyan ang mga namumuno sa mga tanggapan na garapal ang gawain at hindi maayos ang pamamalakad bukod pa sa nagpapahirap sa mamamayang Manileno. Nilinaw rin ng incoming mayor na hindi mawawalan ng trabaho ang mga career service…

Read More

5 KATAO ARESTADO SA CHECKPOINT SA ‘FREEDOM DAY

CAMP SIONGCO, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte – Sa halip na ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan, kulungan ang binagsakan ng limang kalalakihan matapos silang mahulihan ng baril at hinihinalang drug paraphernalia sa isinagawang checkpoint operation ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion at pulisya sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Ayon kay Lt. Col. Loqui O. Marco, pinuno ng 90IB, bandang alas-dose ng tanghali noong Hunyo 12, habang nagsasagawa ng lehitimong checkpoint operations sa nasabing bayan ang mga sundalo at pulis, napadaan ang isang silver na minivan at…

Read More

NAGYABANG SA MOTORSIKLO, RIDER PATAY SA CENTER ISLAND

NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang ospital ang isang 26-anyos na lalaki nang magyabang ito habang lulan ng kanyang motorsiklo sa panulukan ng Quirino Avenue at Paz Street, Paco, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Ralph Rino, residente ng Malate, Manila. Hindi naman nakilala ang kabanggaan nito na kapwa niya motorcycle rider. Ayon sa ulat ni Police Executive Master Sergeant Jun-Jun Jasminez, OIC ng Vehicular Traffic Investigation Section, na pingangasiwaan ni Police Major Jaime Gonzales, Jr., hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-3:18 ng…

Read More

MILF NANAWAGANG ITULOY BARM ELECTION SA OKTUBRE 2025

NANAWAGAN ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamahalaan ng Pilipinas at sa lahat ng kaugnay na institusyon na panatilihin ang nakatakdang halalan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gaganapin sa Oktubre 13, 2025. Sa isang opisyal na pahayag na inilabas nitong Biyernes, nanawagan si MILF Vice Chairman Mohagher Iqbal, na kumakatawan kay Chairman Al Haj Murad Ebrahim at sa Central Committee, sa pambansang pamahalaan, Kongreso, Commission on Elections (COMELEC), at sa iba pang mga kinauukulan na huwag tanggapin ang anumang mungkahi na maaaring humantong sa muling…

Read More

INANOD NA 3 TURISTA NAILIGTAS NG PNP-MARITIME GROUP SA BATANGAS

BATANGAS – Nasagip ang tatlong turista ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group – Special Waterborne Operation, makaraang anurin ng malakas ng alon sa baybayin ng bayan ng Mabini sa lalawigan. Ayon sa ulat ng PNP Maritime Group, habang lumalangoy noong Huwebes ng hapon ang mga turista sa harap ng isang resort nang bigla na lamang lumakas ang alon dahil sa habagat naging dahilan upang anurin ang mga ito. Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Special Waterborne Operations School makaraang matanggap ang emergency call mula sa resort. Gamit ang jetski…

Read More