DENGUE: MAS MALAKING BANTA SA BALIK-ESKWELA

EDITORIAL  HABANG bumabalik ang mga estudyante sa paaralan ngayong Hunyo, lumalakas din ang banta ng dengue. Tumataas ang kaso sa iba’t ibang probinsya, kasabay ng malakas na ulan. Kapag may naipong tubig sa bakuran o silid-aralan, puwedeng pamugaran ito ng lamok. Mga bata ang madalas tamaan. May mga paaralang nag-ulat ng estudyanteng naospital. Bumababa ang attendance. Ang iba, hindi na nakapapasok dahil sa sakit. Sa ilang lugar, may mga batang nasawi. Ang simpleng tubig sa lata o paso ay pwedeng pagmulan ng lamok. Kaya mahalaga ang paglilinis ng kapaligiran—sa bahay…

Read More

PAGSALI NG US SA GIYERA NG ISRAEL VS IRAN APEKTADO BA TAYO?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA aking pananaw sa usapin ng pagsali ng Amerika sa giyera ng Israel laban sa Iran, ay siguradong apektado ang Pilipinas. Unang tatama sa Pilipinas ay ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, sa ngayon pa lang tinatayang halos aabot sa limang piso ang itataas ng diesel. Sa pinakahuli nating natanggap na impormasyon, nasa P2.50 ang itataas sa gasolina; P4.25 sa kerosene, at P4.30 sa diesel kada litro. ‘Yan ay dahil sa epekto ng kasalukuyang nangyayaring giyera sa pagitan ng Israel at Iran, bagama’t…

Read More

BANTAYAN MGA GASOLINAHAN SA MGA PROBINSYA

DPA BENARD TAGUINOD KUNG merong dapat bantayan ang Department of Energy (DOE) kapag panahon ng oil price increase ay ang mga gasolinahan sa mga probinsya dahil pakiramdam ng mga tao ay karaniwang nagkakaroon ng dayaan sa ganitong mga panahon. Open secret na sa mga probinsya na kung hindi sabungan ang negosyo ng local officials ay gasolinahan lalo na sa mahihirap na mga bayan na matagal nang nasa kontrol ng pamilya ng mga politiko. Kapag may inaanunsyo na magkakaroon ng oil price hike, asahan mo na hindi ka na makapagpapakarga lalo dahil biglang…

Read More

KAHIRAPAN SA TAG-ULAN

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MARAMING dahilan kung bakit nararanasan ng mga Pilipino ang kahirapan sa panahon tag-ulan na nagsisimula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre taun-taon. Pagdating ng buwan ng Hunyo kung kailan simula na ng tag-ulan ay siya namang simula rin ng pasukan ng klase sa mga paaralan. Bago pa man ang pasukan ng klase ng ating mga estudyante ay kailangan ng mga magulang ng budget para sa pangangailangan ng mga anak tulad ng school supplies, uniporme at pera para sa enrollment ng kanilang mga mag-aaral. Kung…

Read More

PH ITINAAS SA ALERT LEVEL 3 SITWASYON SA IRAN, ISRAEL

ITINAAS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Alert Level 3 sa Iran at Israel. Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang upang matiyak ang ligtas, napapanahon at maayos na pagbabalik sa bansa ng mga Pilipinong manggagawa na nais na mag-avail ng voluntary repatriation program. Sa kabilang dako, nakatakda namang tanggapin ni Secretary Hans Cacdac ng Migrant Workers (DMW), na kasalukuyang nasa Amman, Jordan, ang first batch ng 26 repatriates mula Israel at King Hussein Crossing. “In Israel, we…

Read More

DELIVERY RIDER TIMBOG SA P1.6-M MARIJUANA

ARESTADO ang isang delivery rider makaraang makumpiskahan ng P1.6 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng anti-narcotics ng Pasig PNP noong Linggo ng madaling araw. Ayon kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang suspek na si alyas “Buknoy,” 27, na agad na inaresto matapos magbenta ng nasabing ilegal na droga sa isang undercover agent. Ayon kay Mangaldan, ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Drug Enforcement Unit ng Pasig PNP sa Sandoval Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City dakong alas-2:45 ng madaling…

Read More

WANTED NA RAPE SUSPECT NALAMBAT SA MALABON

NADAKIP ng pulisya ang isang 45-anyos na lalaki na matagal nang wanted sa kasong panggagahasa sa Navotas City, nang matunton ito sa kanyang pinagtataguang lugar sa Lungsod ng Malabon. Napag-alaman, isang impormate ang nag-report kay Malabon City Police chief P/Col. Jay Baybayan na namataan sa lungsod ang puganteng si alyas “Nilo” kaya agad niyang iniutos sa mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang pagtugis sa suspek. Pinuntahan ng mga tauhan ng WSS ang tinutuluyang bahay ng suspek sa Sacrista St., Brgy. San Agustin at natiyempuhan dakong alas-11 ng…

Read More

NPA PATAY SA SAGUPAAN, 14 BARIL NAREKOBER

PATAY ang isang kasapi ng communist terrorist group nang makasagupa ang pinagsanib na pwersa ng 60th, 25th, at 67th Infantry Battalions na nagsagawa ng intelligence driven operation laban sa mga kasapi ng NPA-Komisyong Mindanao (KOMMID) na nagtangkang magkuta sa Barangay Sayon, Santa Josefa, Agusan del Sur. Kasunod ng engkuwentro na ikinamatay ng isang hindi pa nakikilalang rebelde na may bitbit na isang M16 rifle at dalawang Improvised Explosive Devices (IEDs), ay narekober ng military ang 14 na baril na kinabibilangan ng isang AK47 rifle, isang carbine rifle, apat na .45…

Read More

MIYEMBRO NG MEDIA PATAY SA PAMAMARIL

GEN. SANTOS CITY – Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang isang miyembro ng media makaraang pagbabarilin sa loob ng spa sa lungsod. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Ali Macalintal ng Calina Street, Barangay Lagao, Gen. Santos City. Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa loob ng Delmont Massage and Spa sa Calina St. sa nasabing lugar, ang biktima nang pagbabarilin ito ng suspek na nagpanggap na customer. Kaagad namang nagresponde ang mga awtoridad at isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan…

Read More