OFW PAUWI NA SA PINAS MATAPOS HUMINGI NG TULONG SA OFW JUAN

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG malaking tagumpay para sa ating kababayan sa ibang bansa ang muling naitala matapos ang mabilisang aksyon ng Migrant Workers Office (MWO) sa Saudi Arabia, kasunod ng sumbong na naiparating sa OFW JUAN sa DWDD 1134 kHz at sa kolum ng Saksi Ngayon. Ang ating kababayang si Judylen Alisoso, isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa Jeddah, Saudi Arabia sa ilalim ng kumpanyang Thawabet Resources Company, ay humingi ng agarang tulong dahil sa kanyang mahirap na kalagayan. Sa pamamagitan ng kanyang local…

Read More

QUO VADIS JUAN DE LA CRUZ?

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MARAMI ang nagulat sa balitang ipinagbibili na ang bahay ni dating Presidente Rodrigo Duterte sa Davao City. Ito ‘yung simpleng haybol sa isang subdibisyon na tinitirahan ni Digong at ng kanyang partner na si Honeylet Avanceña. Sa bahay na ito may litrato si Duterte na natutulog sa kama na may kulambo para hindi siya lamukin. Pagkalipas ng ilang araw ay tinanggal na rin ang “for sale” signage sa tarpaulin sa harap ng bahay. Tinutulan daw ni Digong at mga anak ang desisyon ni…

Read More

PROBLEMA SA BASURA AGAD NA TINUGUNAN NI MAYOR ISKO AT 10 BILLS INIHAIN NI SEN. ERWIN!

TARGET ni KA REX CAYANONG PAGKABALIK pa lamang sa puwesto bilang alkalde ng Maynila, agad na hinarap ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang suliraning matagal nang pinapasan ng lungsod — ang tambak ng basura. Isang matibay na pahayag ito na ang liderato ni Domagoso ay hindi para sa pag-uurong-sulong, kundi para sa maagap na aksyon at responsableng pamamahala. Sa gitna ng problemang iniwan ng mga dating kontratistang Phileco at Metrowaste, na biglaang tumiwalag sa kanilang obligasyon na hakutin ang basura ng lungsod, hindi nagpatumpik-tumpik si Mayor Isko. Imbes na…

Read More

REPORMA SA K-12 PROGRAM TINULUGAN NG SENADO

WALANG magaganap na reporma sa basic education sa gitna ng bagsak na kalidad ng edukasyon sa bansa dahil tinulugan ng Senado ang panukalang batas na amyendahan ang K-12 basic education program. Sa isang panayam, sinabi ni House committee on basic education chairman Rep. Roman Romulo na ipinasa ng Kamara sa ikatlo at ang huling pagbasa noong Enero ang House Bill (HB) 11213  o “Education Pathways Act” subalit hindi naisalang sa bicameral conference committee dahil walang kahalintulad na panukala ang ipinasa ng Senado. “Naipasa namin ang amin version noong January pero…

Read More

Binarat sa umentong P50 OBRERO ININSULTO NG MARCOS ADMIN

(BERNARD TAGUINOD) INILARAWAN bilang pang-iinsulto sa hanay ng mga manggagawa ang dagdag-sahod na P50 sa National Capital Region (NCR) na inanunsyo ng Department of Labor and Employment kamakalawa. Para kay dating Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, walang kwenta ang singkwenta. Maituturing aniya itong pang-iinsulto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga manggagawa lalo na’t wala itong ginagawa para maampat ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. “Ang singkwenta ay walang kwenta sa nagtataasang presyo ng bilihin at sunod-sunod na oil price hike. Ang mumong P50…

Read More

PRIMEWATER HAHATULAN NA SA KAPALPAKAN

NAGSUMITE na ang Local Water Utilities Administration (LWUA) ng report nito sa Office of the President (OP) hinggil sa imbestigasyon sa operasyon ng water service na ipinagkakaloob ng PrimeWater. Sa katunayan, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na may isang folder at dalawang balikbayan boxes ang dokumentong isinumite sa OP. ”Opo. Nakatanggap na rin po tayo siguro nakalimutan ko lang pong dalhin, ipapakita ko po sana sa inyo isang folder po siya ang report at dalawang boxes ng balikbayan boxes…

Read More

MAYORYA NG PINOY PABOR BUMALIK PH SA ICC

SUPORTADO ng mayorya ng mga Pilipino na muling sumali ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC). Ito ang lumabas sa resulta ng OCTA Research survey na ipinalabas araw ng Lunes. Makikita sa Tugon ng Masa nationwide survey, isinagawa mula April 20 hanggang 24, na may 57% ng mga Pilipino ang nais na muling sumali ang Pilipinas sa ICC habang 37% naman ang kontra sa hakbang na ito at 6% ang nananatiling undecided. Ang mga nagpahayag ng suporta para sa muling pagsali ng Pilipinas sa ICC ay malakas sa…

Read More

3 OPISYAL NG BICOL POLICE MASISIBAK SA POOR PERFORMANCE

POSIBLENG mapalitan sa pwesto ang tatlong opisyal sa Bicol Region dahil sa kakulangan sa kanilang performance. Kasunod ito ng pagbisita sa Bicol nitong weekend ni PNP chief, PGen. Nicolas Torre III, kung saan nakita umano nito ang mga pagkukulang ng ilang opisyal doon. Napansin ni Torre na bigong mag-supervise ang Provincial Director sa kanyang mga tauhan dahil hindi ito marunong mag-radyo. Aniya, bilang ground commander, dapat ay marunong ang mga Regional Director, Provincial Director at Chief of Police na magbigay ng “command.” Kung kailangan umanong gamitan ng “micromanagement” ang mga…

Read More

Mapanganib na daan noon, moderno na ngayon CATANDALA BRIDGE SA BATANGAS BINUKSAN

MATIWASAY at ligtas nang makabibiyahe ang mga motorista sa mga bayan ng Rosario, Lobo, at Taysan sa  Batangas. Ito ay matapos pormal nang buksan sa publiko ang bagong Catandala Bridge na nag-uugnay sa tatlong bayan. Ang 121-meter long bridge ay may lapad na 13 metro at taas na 24 metro mula sa Calumpang River. May sidewalks, guardrails, at viewing decks para sa kaligtasan at ginhawa ng mga motorista at pedestrian. Ang nasabing  lugar ay minsan nang tinagurian at kilala bilang isa sa mga pinakamapanganib na daan sa Batangas. Ayon kay…

Read More