SUPORTADO ng mayorya ng mga Pilipino na muling sumali ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).
Ito ang lumabas sa resulta ng OCTA Research survey na ipinalabas araw ng Lunes.
Makikita sa Tugon ng Masa nationwide survey, isinagawa mula April 20 hanggang 24, na may 57% ng mga Pilipino ang nais na muling sumali ang Pilipinas sa ICC habang 37% naman ang kontra sa hakbang na ito at 6% ang nananatiling undecided.
Ang mga nagpahayag ng suporta para sa muling pagsali ng Pilipinas sa ICC ay malakas sa karamihang rehiyon ng bansa. Ipinapakita sa resulta ng survey na sa Metro Manila, Balance Luzon, at Visayas, kahit papaano ay 60% ng mga respondent ang suportado ang naturang hakbang.
Gayunman, hindi naman kasama ang Mindanao dahil 30% lamang ang pabor na sumali ang Pilipinas sa ICC at 66% ang kontra rito, ang itinuturing na ‘highest rate’ ng pagkontra na naitala sa ibang rehiyon.
“Across socioeconomic classes and age groups, support remains relatively consistent with at least half of the respondents in each category favoring rejoining,” ayon sa survey.
Idagdag pa rito, ang kontra sa class ranges mula 34% hanggang 42%, na may highest levels sa Class E.
Sa edad naman, ang kontra ay 32% hanggang 44%, na may 40% ng adults aged 18–24, 35–44, at 45–54 ang hindi naman pabor na sumali ang Pilipinas sa ICC.
May kabuuang 1,200 kalalakihan at kababaihan na may edad na 18 at pataas ang nakapanayam ng face-to-face para sa pag-aaral.
Ang survey ay mayroong margin of error na ±3% sa 95% confidence level. Ang Subnational ay may pagtatantya para sa geographic areas na sakop sa survey ay may sumusunod na margins of error na 95% confidence level: ±6% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
Samantala, ipinakita naman sa mga respondents ang mga sumusunod na pahayag bago pa tanungin kung ano ang kanilang posisyon gaya ng “The International Criminal Court (ICC) is a global institution dedicated to upholding justice and protecting human rights by holding individuals accountable for the most serious crimes, including genocide, crimes against humanity, war crimes, and aggression. ”
Matatandaang nagdesisyon ang Pilipinas, sa ilalim ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte, na kumalas sa Rome Statute—ang treaty na lumikha sa ICC—noong March 2018. Umepekto ang withdrawal makalipas ang isang taon noong March 2019.
Nito lamang buwan ng Marso, nang matanong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tungkol sa posibilidad ng pagbabalik sa ICC, sinabi niyang hindi pa ito napag-uusapan, kasunod ng pagkaka-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Netherlands.
(CHRISTIAN DALE)
