MAULAN HANGGANG MARTES – PAGASA

NAGBABALA ang state weather bureau na kahit wala na sa Pilipinas ang Severe Tropical Storm ng Crising (International Name Wipha) ay posibleng makararanas pa rin ng malalakas na pag-ulan hanggang Lunes o Martes na magdudulot pa rin ng pagbaha at posibleng landslides. Ayon sa datos ng Office of Civil Defense, mahigit 120 pamilya o nasa 370,289 indibidwal ang naapektuhan ni Crising at 6,720 pamilya o 22,623 katao ang nananatili pa rin sa 349 evacuation centers, habang 5,287 pamilya o 20,759 katao ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers. Sa datos…

Read More

TAUMBAYAN LALONG MAGNGINGITNGIT KUNG HINDI MATUGUNAN GUTOM, KAHIRAPAN

LALONG magpupuyos sa galit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang taumbayan kapag hindi nito natugunan ang lumalalang kahirapan at kagutuman sa bansa dahil mas pinapaboran nito ang mayayaman kaysa mga ordinaryong manggagawa. Ginawa ng Gabriela sa pamamagitan ni Clarice Palce, secretary general ng grupo, ang pahayag kasunod resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan nakapagtala ng pinakamataas na disapproval rating si Marcos. “Numbers don’t lie: 66% disapprove of how Marcos Jr. handles inflation and 48% reject his wage record—the highest disapproval on record,” ani Palce. Base aniya sa…

Read More

PAGBUHAY SA CHA-CHA IDADAAN SA CON-ASS

IDADAAN sa Constituent Assembly (CON-ASS) ang pag-amyenda sa 1987 Constitution upang hindi umano magastusan ang gobyerno. Ito ang nabatid kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., na may akda sa Resolution of Both Houses (RBH) NO. 1 na naglalayong amyendahan ang mga economic provision at isama sa Konstitusyon ang West Philippine Sea (WPS). “Im not advocating ConCon (Constitutional Convention) dahil sobrang mahal po,” ani Garbin kaya nais nito na idaan sa Con-Ass ang pag-amyenda sa Saligang Batas. Sa ilalim ng Con-Ass, magsasanib ang Senado at Kamara para amyendahan ang…

Read More

PACQUIAO CHAMPION PA RIN SA PUSO NG PINOY

BAGAMA’T nauwi sa draw ang kanyang laban kay Mario Barrios, panalo pa rin sa puso ng sambayanang Pilipino si Pambansang Kamao at dating senador Manny Pacquiao, ayon sa liderato ng Kamara. “Victory isn’t always measured by the belt—but by the courage to keep fighting,” ani dating House Speaker Martin Romualdez. Sa edad na 46, muling tumuntong sa lonang parisukat si Pacquiao kahapon, Sabado sa Amerika, kung saan hinarap nito ang 30-anyos na American fighter. Sa kabila ng kanyang edad, naitabla ng dating 8 division champion na si Pacquiao ang laban…

Read More

Kapag hindi umaksyon kontra fake news SOCIAL MEDIA PLATFORMS MAHAHARAP SA PARUSA

BINALAAN ni Senador Sherwin Gatchalian ang malalaking social media platforms tulad ng Facebook na posibleng maharap sa aksyon ng pamahalaan kung hindi lilinisin ang kanilang platform mula sa fake news at disinformation. “Sa mga nagdaang taon, malinaw na nakita natin kung paano ginagamit ng masasamang loob ang social media, tulad ng Facebook, bilang sandata para maghasik ng kasinungalingan, mag-udyok ng galit, at baluktutin ang opinyon ng publiko,” ayon kay Gatchalian. Ginagawa anyang negosyo ang fake news at panlilinlang ang produkto. Ayon sa senador, ang paglaganap ng fake news, misinformation, at…

Read More

PRRD BILL NI IMEE, PROTEKSYON SA ‘FUTURE MASS MURDERERS’

KUNG mayroong makikinabang sa inihain ni Sen. Imee Marcos na “President Rodrigo Roa Duterte Act”, ito ay walang iba kundi ang mga future ‘mass murderer”. Reaksyon ito ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña kaugnay ng Senate Bill (SB) 557 na inakda at inihain ni Marcos kung saan ipagbabawal ang pag-aresto at pagsuko sa isang Pilipino sa ibang bansa na walang basbas ang local court. “PRRD Bill is a “Protection for Future Mass Murderer. A regressive and dangerous attempt to shield perpetrators of mass atrocities—most notably Duterte himself—from international accountability,” ayon…

Read More

TRILLANES BINIRA SI LENI, PUMABOR KAY RISA

LUMILIKHA ng malaking bitak si dating Senador Antonio Trillanes sa mga kaalyado nang batikusin nito si Naga City Mayor at dating vice president Leni Robredo kaugnay ng pahayag nito hinggil sa pakikipag-alyansa para matiyak ang panalo sa halalan. Sa isang online interview, sinabi ni Trillanes na ang pahayag ni Robredo ay tumutukoy umano sa posibilidad ng pakikipag-alyansa sa pamilya Duterte at kanilang mga kaalyado sa Senado. “Binasa ko iyong statement ni former VP Leni at ngayon Mayor Leni na okay lang daw makipag-alyansa sila sa mga Duterte para daw pragmatic.…

Read More