PAMILYA NG DRUG WAR VICTIMS INIINSULTO NI SARA

INIINSULTO umano ni Vice President Sara Duterte ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs matapos palabasin na ang kaso ng kanyang ama ay base sa mga marites o tsismis lang. Kasabay nito, itinanggi ni Zambales Rep. Jay Khonghun ang alegasyon ng Pangalawang Pangulo na nakipagsabwatan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa International Criminal Court (ICC) para mapaalis sa Pilipinas ang kanyang numero unong kritiko na ang tinutukoy ay ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte. “Tsismis ba ang libo-libong patayan? Tsismis ba ang luha ng mga nanay…

Read More

BFP NAKATANGGAP NG UNMODIFIED OPINION MULA SA COA

KUMPIYANSA ang Bureau of Fire Protection (BFP) dahil muli itong nakatanggap ng unmodified opinion sa loob ng tatlong magkakasunod na taon mula noong 2022. At para sa fiscal year 2024 nakatanggap muli ang BFP ng unmodified opinion na may markang 90. Nabatid sa Commission on Audit (COA), ang inilabas na ulat ay batay sa Financial Management Performance Rating sa isinagawang financial audit sa panahong ito ng 2024 na iniulat ni Miriam M. Villanueva Director lV, Cluster 4 National Government Audit Sector. Sa ulat ng COA, nakatanggap ang BFP ng 90…

Read More

BAGETS NA NALUNOD NATAGPUAN NA, 1 PA PINAGHAHANAP

RIZAL – Pinaghahanap pa rin hanggang ngayon ng mga awtoridad ang isa sa dalawang bata na pinaniniwalaang nalunod matapos tangayin ang mga ito ng agos sa ilog sa Brgy. Bombongan, sa bayan ng Morong sa lalawigan. Kinilala ang mga nawawalang bata na sina Gene Heinrich Dacumos, 12, at Ruben Cioseph Giray Cubilla, 10, parehong mga residente ng Darangan, Binangonan, Rizal. Batay sa inisyal na imbestigasyon, naliligo umano sa ilog sina Ruben Cioseph at magkapatid na Dacumos na sina Gene Heinrich at John Henry nang biglang tangayin ang dalawang biktima ng…

Read More

Misis at anak idinamay BUNSO PINATAY SA TAGA NI KUYA DAHIL SA SELOS

DAVAO CITY – Patay ang isang 34-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang asawa at 11 buwan gulang na anak nang pagtatagain sila ng nakatatandang kapatid ng una sa Brgy. Wangan, Calinan District sa lungsod noong Linggo ng madaling araw. Halos hindi na umano makilala ang mukha ng biktima matapos tagain nang paulit-ulit ng mismong kuya dahil sa selos. Kinilala ng Davao City Police ang biktimang si alyas “Jing”, 34, habang agad ding nadakip ang suspek na si alyas “Jan,” 39, nakatatandang kapatid nito. sa isinagawang follow-up operation ng…

Read More

RADIO ANCHOR NILIKIDA SA BISLIG CITY

SURIGAO DEL SUR – Isang kilalang radio anchor at station manager ng Radyo Gugma, ang nilikida ng hindi pa nakikilalang gunmen sa Barangay Mangagoy, Bislig City sa lalawigan. Kinilala ng Surigao PNP ang biktima ng pananambang na si Erwin “Boy Pana” Segovia, na binaril nitong Lunes ng umaga habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Barangay Mangagoy. Inaalam pa ng Bislig City Police kung may kinalaman sa trabaho bilang radio program host o dahil sa pulitika ang motibo sa paglikida sa biktima. Lumitaw sa imbestigasyon, pauwi na sa kanyang bahay si…

Read More

CHINESE NA SUSPEK SA PAMAMARIL SA KABABAYAN, TIKLO

ARESTADO ang isang Chinese national na suspek sa pamamaril sa kanyang kababayan noong Oktubre ng nakaraang taon sa Makati City. Sa isinagawang press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni PNP chief, General Nicolas Torre III, naaresto ang suspek na si Wang Danyu, 28-anyos. Ayon kay Torres, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest noong Hulyo 19, sa kasong murder. Nakalabas na ng bansa ang suspek at nang lumamig ang kaso ay bumalik ito sa pamamagitan ng backdoor. Una rito, nakatanggap ng intelligence report ang PNP dahilan upang gumawa…

Read More

SUSPENSYON NG KLASE SA MAYNILA NGAYONG MARTES MAAGANG INANUNSYO NI YORME

MAAGANG nagdeklara si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na walang pasok ang lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan bukas, Hulyo 22 dahil na rin sa masamang panahon. Sa mga empleyado ng Manila City Hall, sinabi ng alkalde na antabayanan lamang ang anunsyo bukas kung may pasok sa trabaho o wala. Pinayuhan din ang mga bata na huwag magpagala-gala at manatili na lamang sa loob ng bahay . Sa mga residente, pinayuhan ng alkalde na maghanda at tiyaking fully charge ang mga cellphone upang laging updated sa mga pangyayari, mag-imbak ng…

Read More

P121-M SUBSTANDARD APPLE PRODUCTS NASAMSAM

UMABOT sa P121.4 milyon halaga ng substandard na produkto ng Apple ang sinalakay ng CIDG sa Parañaque City. Ayon kay CIDG acting director PBGen. Romeo J. Macapaz, nitong Sabado, Hulyo 19, dakong alas-11:30 ng umaga hanggang alas-09:40 ng gabi ay nagsagawa ang CIDG Anti-Organized Crime Unit ng operasyon sa Bay View, Garden Homes 3, Barangay Tambo, Parañaque City. Nasamsam sa pagsalakay ang mga substandard na produkto ng Apple na kinabibilangan ng 9 na kahon ng Apple iWatches (225 units), 14 na kahon ng MagSafe charger (531 units), 92 box ng…

Read More

TORRE BUMANAT SA MGA DDS NA NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS

PINALAGAN ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang mga kumakalat sa social media na may pinatay at itinapon na Chinese national sa Kawit, Cavite. Ayon kay Gen. Torre, taong 2022 pa nangyari ang nasabing insidente at matagal nang naimbestigahan kung saan ay isang pugante sa China ang Chinese national na 32-anyos na may Interpol notice. Ang labi ng biktima ay nailibing na rin sa isang pampublikong sementeryo sa Cavite. Tinukoy ng hepe ng Pambansang Pulisya, partikular ang ilang grupo ng DDS na hinukay aniya sa baul ang isyu para…

Read More