BFP NAKATANGGAP NG UNMODIFIED OPINION MULA SA COA

KUMPIYANSA ang Bureau of Fire Protection (BFP) dahil muli itong nakatanggap ng unmodified opinion sa loob ng tatlong magkakasunod na taon mula noong 2022. At para sa fiscal year 2024 nakatanggap muli ang BFP ng unmodified opinion na may markang 90.

Nabatid sa Commission on Audit (COA), ang inilabas na ulat ay batay sa Financial Management Performance Rating sa isinagawang financial audit sa panahong ito ng 2024 na iniulat ni Miriam M. Villanueva Director lV, Cluster 4 National Government Audit Sector.

Sa ulat ng COA, nakatanggap ang BFP ng 90 porsiyentong marka ng mahusay mula sa unang ulat ng Financial Performance Rating.

Matatandaang inaprubahan ng COA ang mga aksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay ng pagkakaroon ng modernization program para makasabay sa modernong panahon.

Sinabi na nakasaad sa ulat ng COA na walang mali sa mga ginawang aksyon ng BFP sa pagtatakda ng technical requirements na kailangan ng Bureau of Fire para makasabay sa mga makabagong pamamaraan at modernization program ng ahensya.

Samantala, ang ulat ng Financial Management Performance Rating ng COA ay nagsabi na ang BFP ay nakatanggap ng mahusay na rating sa nakalipas na panahon ng 2024.

Kaugnay nito, ayon sa ulat ng COA noong nakaraang 2010, inilunsad ng BFP ang Modernization Program nito alinsunod sa Comprehensive Fire Code of 2008 ng pamahalaan upang ang bureau ay umangkop sa modernong panahon kung sakaling magkaroon ng sunog.

Kaugnay nito, isinaad pa sa ulat na ang pangunahing layunin ay i-upgrade ang kakayahan ng pamahalaan sa pag-apula ng sunog na may sapat na tauhan at kagamitan upang maprotektahan ang mga tao mula sa mga mapanganib na sunog.

Nakasaad pa sa ulat ng COA na umabot sa P13.17 bilyon ang kabuuang pondo para sa Modernization Program mula 2011 hanggang 2017.

Noong nakaraang taon, naghain si Senator Bong Go ng panukalang batas sa Senado na nag-aatas sa BFP na ipatupad ang modernization program.

Ayon sa COA report, walang masama sa technical requirements para sa modernization program dahil ito ay naaayon sa COA report sa performance audit.

Samantala, naniniwala rin ang Komisyon na dapat palakasin ng pamahalaan ang kampanya nito sa pagsugpo sa sunog kasabay ng patuloy nitong programa sa modernisasyon. (PAOLO SANTOS)

37

Related posts

Leave a Comment