ISOLI ANG MGA NAKAW, SIGAW NG TAUMBAYAN

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGING mainit na naman ang pagpapatuloy ng pagdinig kahapon sa Senado sa maanomalyang flood control projects. Maraming pangalan na naman ang nabanggit sa pamamagitan ng statement na ibigay ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara, na binigyan naman ng kumpirmasyon ng tauhan nito na si DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez. Pero ang nakapupukaw ng atensyon sa taumbayan ay ang pagpilit ni Sen. Rodante Marcoleta na hindi pa kailangang magsauli ng kayamanan ang mga sangkot sa anomalya, na malinaw namang nagnakaw sa kaban ng bayan. Nagkainitan…

Read More

PAMANANG LIGTAS SA TUBIG-BAHA SA BATANG MAYNILA

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NGAYON na, hindi na pwedeng ipagpabukas pa. Matapos ang sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha sa lungsod ng Maynila, naghanda na si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ng isang Master Drainage Plan upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan ng lungsod. Makatutulong ang madalas na paglilinis ng mga kanal, imburnal, estero at iba pang lagusan ng tubig-baha, pero hindi ito sapat, sabi ni Yorme. Kailangan na ang todo, malawakan at sama-samang kilos ng lahat, lalo na ang national government, kaya noong Huwebes, nang dumalaw sa Maynila si…

Read More

ISANG BAGONG ANTAS NG KATAPATAN: ANG PANININDIGAN NI SPEAKER BOJIE DY

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahong tila gasgas na ang salitang korupsyon at unti-unting kumukupas ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno, isang liwanag ang hatid ng paninindigan ni House Speaker Bojie Dy. Sa kanyang matapang na pahayag na, “Kung kakailanganing ipakita ang SALN ko, why not?”, malinaw ang kanyang mensahe—wala siyang itinatago at bukas siyang masuri ng publiko. Hindi madali para sa isang mataas na lider ng bansa ang maghayag ng ganitong posisyon. Maraming opisyal ang nagdadalawang-isip o umiiwas sa usaping SALN, subalit si Speaker Dy ay buong tapang…

Read More

COURIER COMPANY NILOOBAN

CAVITE – Nilooban ng ‘di pa nakikilalang mga suspek ang isang branch ng courier company at tinangay ang hindi pa nabatid na halaga ng isusubastang mga alahas sa Tagaytay City nitong Martes ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-6:50 ng umaga nang madiskubre ang sinirang roll-up door ng courier company sa Tagaytay Mendez-Crossing sa Brgy. Mendez Crossing East, Tagaytay City. Ayon sa customer associate na si Carl, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanilang HR na ang kanilang roll-up door ay napansin na sinira. Pinuntahan ni Carl ang kanilang establisyemento…

Read More

DATING BISE ALKALDE NG HAGONOY NINAKAWAN

PINASOK ng dalawang hinihinalang mga magnanakaw ang bahay ng dating bise alkalde ng Hagonoy, Bulacan, sa Barangay 655, Intramuros Manila noong Lunes ng gabi. Agad namang nadakip ng mga barangay tanod ang mga suspek na sina alyas “Henry”, 24, at “Louis”, 27, kapwa residente ng nasabing lugar. Kinilala naman ang biktimang si alyas “Angel,” isang 73-anyos na negosyante. Batay sa ulat ng Sector 6 ng Intramuros sakop ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District, bandang alas-10:30 ng gabi nang mamataan ng dalawang barangay tanod ang papatakas na mga…

Read More

3 TIMBOG SA NBI SA ILLEGAL INTERNET CONNECTION SA CAVITE, LA UNION

NAARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation–Cybercrime Division (NBI-CCD) ang tatlong indibidwal na sangkot sa ilegal na pagpapakabit at pagbebenta ng internet services sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite at La Union. Unang nadakip sina alyas Vince at Urmesh sa General Trias, Cavite noong Agosto 28, matapos madiskubreng dine-divert sa kanilang account ang bayad ng mga subscriber. Gumagamit umano ang dalawa ng mga computer para sa ilegal na reactivation, boosting, at resale ng internet connections nang walang awtoridad mula sa lehitimong service provider. Nahaharap sila sa kasong paglabag…

Read More

BARKO SUMADSAD SA QUEZON, 41 PASAHERO NA-RESCUE

QUEZON – Isang pampasaherong barko ang sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat malapit sa Port of Real sa Barangay Ungos, sa bayan ng Real sa lalawigan bandang alas-9:50 umaga nitong Martes. Ayon sa report, paalis sana ng Real Port ang RORO, lulan ang 41 pasahero at pitong rolling cargoes, patungo sa isla ng Polillo nang mangyari ang insidente. Nagmamaniobra na umano ang barko mula sa docking area nang lumapat ang ilalim nito sa mababaw at batuhang bahagi ng dagat, 50 metro pa lamang ang layo sa port. Tuluyang sumadsad…

Read More

Ebidensya sa FC mess nililinis na ng sindikato MABANGIS NA INVESTIGATIVE BODY IGINIIT KAY MARCOS

HINDI na ipinagtaka ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang pagsira umano ng mga sindikato at “buwaya” sa gobyerno ng mga ebidensya kaugnay sa flood control projects para makalusot sa pananagutan. Giit ni De Lima, malinaw na gumagalaw na ang mga galamay ng korupsyon para takpan ang “pinakamalaking corruption scandal” sa kasaysayan ng DPWH. “Hindi na tayo magtataka kung gumagalaw na ang galamay ng mga sindikato at buwaya para pagtakpan ang kanilang krimen at sabwatan,” aniya. Mismong si DPWH Secretary Vince Dizon ang nagkumpirma na sinira umano…

Read More

Hindi lang expulsion PLUNDER VS ZALDY CO

HINDI sapat ang simpleng pagpapatalsik kay Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co bilang miyembro ng Kamara — dapat umano itong sampahan ng non-bailable case na plunder. Ito ang mariing pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco matapos ang pormal na pagsasampa ng reklamo laban sa dating chairman ng House Committee on Appropriations sa House ethics committee. Lumabas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nagbaba umano si Co ng P35 bilyong proyekto sa kanyang distrito sa Bulacan mula 2022, kung saan kinotahan umano ito ng 25% na komisyon, ayon kay…

Read More