KAPALIT NI ZALDY CO, IPRINOKLAMA NA

MAY kapalit na ang nagbitiw na si Rep. Zaldy Co bilang kinatawan ng Ako Bicol Party-list sa katauhan ni Jan Franz Chan. Si Chan na ikatlong nominee ay pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec). Noong 2025, bigong makapasok si Chan bilang kinatawan ng nasabing party-list dahil dalawang pwesto lamang ang napanalunan sa nagdaang midterm elections, kung saan si Co ang kanilang first nominee. Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang proklamasyon kasama ang iba pang commissioners ng poll body, na isinagawa sa session hall ng main office.…

Read More

DOLE NAGBABALA VS PEKENG SAFETY OFFICER

PINAG-IINGAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko laban sa mga ulat tungkol sa mga nagpapanggap bilang OSH practitioner o safety officer. Babala ng Occupational Safety and Health Center, gumagamit at nagpapakita ng mga pekeng certificate of accreditation ang ilang indibidwal. Giit ng ahensya, sila lamang ang tanging awtorisadong magbigay ng certificate at kinakailangang dumaan sa tamang proseso ng pagsusuri at accreditation. Samantala, nanawagan si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa labor inspectors ng DOLE na itaas pa ang antas ng kanilang serbisyo at integridad sa pagpapatupad ng labor…

Read More

METRO-WIDE CLEARING OPS IKINASA KONTRA BAHA

IKAKASA ng administrasyong Marcos ang Metro-wide clearing operations na bahagi ng pangakong tuloy-tuloy na kampanya laban sa pagbaha — isang programa na palalawakin sa buong bansa sa ilalim ng “Oplan Kontra Baha.” Layon ng inisyatiba na linisin at isaayos ang mga ilog, creek, at drainage systems sa Metro Manila na matagal nang barado ng basura at debris, dahilan ng matinding pagbaha tuwing may bagyo. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., “We will continue to do this, first part of the Oplan, until June to July of next year. Even after…

Read More

16K pulis ipakakalat para sa seguridad at trapiko MGA KALSADA SA MAYNILA ISASARA SA 3-DAY INC RALLY

PANSAMANTALANG isasara ang ilang pangunahing kalsada sa Maynila mula Nobyembre 16 (Linggo) hanggang Nobyembre 18 (Martes) para bigyang-daan ang tatlong araw na rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Rizal Park, na nananawagan ng transparency at accountability ng gobyerno. Ayon sa Manila Police District (MPD), ang mga kalsadang isasara sa naturang petsa: Southbound lane ng Roxas Blvd. (Katigbak Dr. hanggang P. Ocampo), Northbound lane ng Roxas Blvd. (President Quirino Ave. hanggang Katigbak Dr.), Northbound at southbound ng Bonifacio Dr. (Anda Circle hanggang Katigbak Dr.), Katigbak Dr. at South Dr., Independence…

Read More

P184.9-M JACKPOT SA SUPERLOTTO 6/49 NASOLO NG NOVO ECIJANO

NASOLO ng isang maswerteng mananaya ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon kay PCSO General Manager at Vice-Chairperson Melquiades “Mel” Robles, nakuha ng panalong tiket ang kumbinasyon na 04-25-20-14-12-05, na may kabuuang premyong P184,998,366.40. Nabatid na nabili ang maswerteng tiket sa isang outlet sa Santo Domingo, Nueva Ecija. Nasa 103 indibidwal naman ang nakakuha ng limang kombinasyon at bawat isa ay makakatanggap ng P50,000. Upang makuha ang jackpot prize, kailangang magtungo sa punong-tanggapan ng PCSO sa Sun Plaza Building, 571 Shaw Blvd., Mandaluyong…

Read More

MEDICAL SOCIETIES NANAWAGAN NG LABAN KONTRA DIABETES SA WORLD DIABETES DAY 2025

BILANG bahagi ng World Diabetes Day 2025, nanawagan ang iba’t ibang medical societies gaya ng Philippine College of Endocrinology, Diabetes and Metabolism (PCEDM), Philippine Heart Association, Stroke Society of the Philippines, at Philippine College of Physicians, para sa mas matibay na laban at pag-iwas sa diabetes sa mga Pilipino. Ayon sa PCEDM, ang type 2 diabetes ay isa na sa pinakamalaking hamong pangkalusugan sa bansa, na kasalukuyang ikalimang nangungunang sanhi ng kamatayan at nakakaapekto sa tinatayang 5.5 milyong Pilipinong nasa hustong gulang. Sa ginanap na forum sa Manila Prince Hotel,…

Read More