EXCEL GREEN KARD AGENCY TINATAWAGAN NG PANSIN

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG overseas Filipino worker (OFW) na kasalukuyang nanunuluyan sa accommodation ng recruitment agency sa Kaharian ng Saudi Arabia (KSA), ang humihingi ng agarang tulong upang makauwi sa Pilipinas matapos umanong makaranas ng pananakit mula sa kanyang among babae. Kinilala ang OFW na si Rosalie Fernandez, 40-taong gulang, at kasalukuyang naka-deploy sa ilalim ng EXCEL GREEN KARD INT’L INC bilang kanyang Philippine recruiting agency. Ang kanyang foreign principal agency ay Mohammed Mojeb Bin Hawis Recruitment Office. Ayon kay Fernandez, unang araw pa lamang sa…

Read More

MAHALAGA NA MAGING MATALINO SA KASALUKUYANG SITWASYON

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG totoo ang mga rebelasyon ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co tungkol sa “insertion” sa bicam, para tayong nanood ng behind-the-scenes ng isang pelikulang matagal nang alam ng publiko pero ngayon lang may aktor na umamin sa kamera. Hindi na simpleng isyu iyang kaguluhan sa pagbuo ng pambansang pondo lalo na kung totoong manipulado ito mula sa itaas. Kung pagbabatayan ang ‘pasabog’ ni Co, lumalabas na ang bicam ay hindi na venue para ayusin ang matinong budget. Talamak na ang pagsisingit, pagpapalabas at takipan para…

Read More

Nasan na si ‘Tambaloslos’ Martin Looter King?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA BAKIT sobrang tahimik ang mainstream media (MSM) kay dating House Speaker Martin “Tambaloslos” Romualdez, aka, Tambaloslos – so kapal ng balat niya, at mind n’yo dear readers, hindi niya ikinahihiya na tawagin siyang Martin Looter King ng Pilipinas. Noong siya pa ang Speaker ay siya ang pinakamakapangyarihan na maitutulad sa isang pugita, octopus, na ang bawat galamay ay may matatalim na sucker at ang mahawakan, walang kawala, walang ligtas. Mula kasi nang maging Hari ng House of Representatives, (sabi ng marami, Representa-Thieves daw) ay…

Read More

REGIONAL STI FAIR INILUNSAD NG DOST

BILANG pagpapalakas sa mga komunidad sa pamamagitan ng science and innovation, inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang National Science, Technology, and Innovation Week (NSTW) sa Malolos Sports and Convention Center, New City Hall Compound sa Malolos, Bulacan, noong Nobyembre 12. Sa pakikipagtulungan sa Bulacan State University (BulSU) at sa Local Government Units (LGUs) ng Malolos at Guiguinto, ang event ay nakatuon sa pangunahin nitong tema, “Science, Technology, and Innovation: Partner in Building a Resilient, Prosperous, and Secure Future” na may regional subtheme: “Building Smart and Sustainable Communities…

Read More

1 huli, 2 nakatakas DRUG LABORATORY SA ANTIPOLO SINALAKAY NG PDEA

SINALAKAY ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang hinihinalang drug laboratory sa Antipolo City nitong Linggo ng madaling araw, ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez. Ayon sa report, nadiskubre at binuwag ng joint operatives ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at Team 2, PDEA Rizal Provincial Office at Rizal Provincial Intelligence Team, ang shabu laboratory na hinihinalang pinatatakbo ng mga banyaga. Isang high value target ang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation bandang alas-2:00 ng madaling araw…

Read More

LIBO-LIBONG PINOY NAMANGHA SA ‘DISNEYLAND’ SA BATANGAS

LIBO-LIBONG bisita ang dumagsa sa J Castle Theme Park sa Tanauan, Batangas upang saksihan ang kanilang “Dreamers: The Nighttime Spectacle of Lights” Grand Christmas Tree Lighting at 3D Digital Projection Premiere. Maagang sinalubong ng pamunuan ng J Castle, ang pinakamalaking immersive park sa bansa, ang Christmas season sa pamamagitan ng grand fireworks display at Christmas tree lighting sa mahigit sampung ektaryang amusement park. Mistulang Disneyland ang handog na lights, music, at magic ng J Castle, lalo pa’t si Ms. Maja Salvador ang nag-MC sa gabi ng selebrasyon. Libo-libong dumalo ang…

Read More

KREDIBILIDAD NG ICI TAGILID SA ZALDY CO EXPOSE’

NALAGAY sa alanganin ang kredibilidad ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa expose ni resigned Congressman Zaldy Co kaya kinakailangan nang magkaroon ng legislated Independent Commission na mag-iimbestiga sa napakalawak na katiwalian sa gobyerno. Iginiit ito kahapon ni Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando kasunod ng isiniwalat ni Co na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nagpasingit ng P100 billion sa 2025 national budget at idineliber umano nito sa Malacanang at sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez sa North at South Forbes Park, Makati ang 25%…

Read More

Maagang dinagsa Luneta INC RALLY: TAPUSIN ANG KATIWALIAN!

DUMAGSA kahapon ang libo katao sa kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Luneta, Maynila para ipanawagan ang laban sa katiwalian at korupsyon. May temang “Rally for Transparency and Better Democracy,” sinamahan ang INC ng iba’t ibang civil society groups sa unang araw ng kanilang tatlong araw na pagtitipon na tatakbo hanggang Martes, Nobyembre 18. Nagmula pa sa iba’t ibang probinsiya ang mga dumalo, at tinatayang aabot sa 1.3 milyon hanggang 1.5 milyon ang inaasahang dadagsa sa buong serye ng protesta. Umapela ang mga tagasuporta ng INC na…

Read More

GATCHALIAN HINDI RIN KUMBINSIDO KAY ZALDY CO

PINUNA ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian ang ilang inconsistencies o butas sa mga naging pahayag ni dating Cong. Zaldy Co. Partikular na pinuna ni Gatchalian ang sinabi ni Co na nagpasingit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P100 bilyon sa bicam committee level ng budget process para sa 2025. Sinabi ni Gatchalian na nakapagtatakang nagsingit ang Pangulo ng pondo sa bicam level gayung maaari niya itong gawin sa pagbalangkas ng National Expenditure Program. “Pero nung ina-analyze ko yung mga comment ni Zaldy Co, may mga inconsistency o hindi…

Read More