1 huli, 2 nakatakas DRUG LABORATORY SA ANTIPOLO SINALAKAY NG PDEA

SINALAKAY ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang hinihinalang drug laboratory sa Antipolo City nitong Linggo ng madaling araw, ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez.

Ayon sa report, nadiskubre at binuwag ng joint operatives ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at Team 2, PDEA Rizal Provincial Office at Rizal Provincial Intelligence Team, ang shabu laboratory na hinihinalang pinatatakbo ng mga banyaga.

Isang high value target ang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation bandang alas-2:00 ng madaling araw sa Sitio Pinyahan, Barangay San Jose ng nasabing siyudad.

Nadakip ang isang alyas “Joel”, 40-anyos, nagsisilbing caretaker, habang target ng manhunt operation ang isang alyas “Choi Minsoo” aka “Jazz”, isang Korean-American national, at isang alyas “Pai” na hindi na naabutan ng raiding team

Nasamsam sa hinihinalang kitchen type shabu lab ang nasa 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P900,000.00 at tatlong plastic bottles na naglalaman ng liquid substance na hinihinalang controlled precursor and essential chemicals, mga drug paraphernalia at mga kagamitan kasama ang ginamit na buy-bust money.

Nahaharap ang suspek kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(JESSE RUIZ)

64

Related posts

Leave a Comment