DPA ni BERNARD TAGUINOD IMBES na pakalmahin ng mga tauhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang taumbayan sa kanilang galit sa katiwalian na nagpayaman sa mga nakapuwesto sa gobyerno, ay iniinsulto pa nila ang mga Pilipino. Tulad na lamang itong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque na nagsabing kasya raw ang budget na P500 para sa Noche Buena ng isang pamilya na binubuo ng mag-asawa at dalawang anak. Insulto ito sa mahihirap lalo na’t maraming nagugutom dahil hindi mapigil ang pagtaas ng presyo ng mga…
Read MoreDay: December 1, 2025
‘DI PA TAPOS ANG LABAN VS BBM ADMIN
PUNA ni JOEL O. AMONGO NANANATILING positibo ang pananaw ng mga Pilipino na makakamit nila ang hustisya laban sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan. Nitong Linggo, ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pwersa na hindi sila sang-ayon sa matinding katiwalian sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Naging maayos at walang naitalang kaguluhan sa nasabing kilos-protesta na ginanap sa Luneta sa Maynila, EDSA sa Quezon City at maging sa iba’t ibang lugar sa bansa. Nagsimula ang malakihang protesta noong September 21, 2025 sa anibersaryo ng Martial Law. Tuwing Biyernes…
Read MorePEACEFUL ANG BONIFACIO DAY RALLY
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MATAGUMPAY na naiparating ng mga Pilipino sa kanilang isinagawang kilos-protesta nitong Linggo sa iba’t ibang lugar, sa mga kinauukulan ang kanilang panawagan na managot ang lahat ng mga kurakot sa pamahalaan. Bagama’t iisa ang panawagan ng mga nagsagawa ng kilos-protesta na panagutin ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan, tila hindi naman sila magkasundo kung sino sa mga nagnakaw ang dapat managot. May mga nagsabi na panagutin at dapat mag-resign sina Vice President Inday Sara Duterte at President Bongbong Marcos, Jr. hanggang sa pinakamababang…
Read MoreTrillion Peso March Third Edition ikinakasa FLOOD SCAM PROBE UMIIWAS SA ‘BIG FISH’?
NAGBABALA ang mga organizer ng Trillion Peso March na handa silang maglunsad ng panibagong malawakang kilos protesta kung hindi agad mapapanagot ang malalaking personalidad na itinuturong utak sa multi-billion flood control scandal. Ayon kay Kiko Aquino Dee, malaki ang inaasahan ng publiko na bago ang December 15 deadline ng Office of the Ombudsman, ay mas maraming kaso ang maisasampa laban sa mga nasa likod ng anomalyang pinag-uusapan sa buong bansa. Giit ni Dee, nakaaalarma ang takbo ng imbestigasyon na tila nakatutok lang umano sa “relatively minor government officials and contractors”…
Read MorePBBM KINALAMPAG SA PAGDEDMA SA P200 WAGE HIKE
KINALAMPAG ng oposisyon sa Mababang Kapulungan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa patuloy umanong pagbabalewala nito sa panawagan para sa umento ng mga manggagawa sa buong bansa. Kasabay nito, hiniling ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña sa liderato ng Kamara na pabilisin ang deliberasyon sa mga panukalang naglalayong magpatupad ng P200 across-the-board legislative wage increase, sa kabila ng pagtanggi ng pangulo na sertipikahan ang mga ito bilang urgent. “Two hundred peso minimum wage increase ang tunay na pamasko para sa mga manggagawa, hindi yung kathang-isip na 500 noche…
Read MoreSa gitna ng corruption issue PONDO ‘WAG IPAGKATIWALA SA PANGULO – SOLONS
ISINALANG na sa committee level ng Kamara ang mga panukalang batas na magbibigay ng emergency power kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa bansa. Gayunpaman, agad na tinutulan ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang tatlong panukalang nakahain sa House Committee on Basic Education. Ayon kay Tinio, hindi napapanahon ang pagbibigay ng special authority sa Pangulo lalo na’t kasalukuyang iniimbestigahan ang umano’y malawakang katiwalian sa flood control projects. Kabilang sa mga panukalang tinalakay ang House Bill (HB) 4904 na inakda ng chairman…
Read MoreIniwan ng mga raliyista BANDALISMO SA MAYNILA
SA kabila ng paulit-paulit na panawagan ng pamahalaang lungsod ng Maynila, muling nag-iwan ng bandalismo ang mga ralyista sa iba’t ibang parte ng lugar sa ikinasang kilos-protesta nitong Nobyembre 30. Ang pangyayaring ito ay hindi ikinatuwa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na binigyang-diin na kung sino pa ang mga lumalaban para sa tamang paggamit ng pondo ay sila pa ang umano’y dahilan para ito’y aksayahin. Giit ni Domagoso, dahil sa ginawang bandalismo sa ikinasang malaking rally ay muli nila itong gagastusan para lamang maipalinis. Kapansin-pansin ang mga bandalismo sa…
Read MoreLAS PIÑAS NAGNINGNING
NAGLIWANAG na muli ang Las Piñas matapos ilunsad ang ikalawang taon ng Christmas Lighting Ceremony — isang makulay na selebrasyon ng tradisyon, komunidad, at ang kilalang sining ng paggawa ng parol na tatak-Las Piñas. Ginawa ang programa sa People’s Park, sa tapat ng iconic Bamboo Organ Church sa Brgy. Daniel Fajardo. Tampok ang Giant Christmas Tree na gawa sa lokal na materyales—sumisimbolo ng pagiging malikhain, mainit na pakikisalamuha, at kulturang ipinagmamalaki ng lungsod. Panauhing pandangal si dating senadora Cynthia Villar, na nagpahayag ng mensahe ng inspirasyon sa mga Las Piñeros:…
Read MoreDISTRICTING LAW BIGONG IPASA NG BTA
NABIGO ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na maipasa ang districting law noong Nobyembre 30 na deadline nito ngunit nangako nitong Lunes na kukumpletuhin ang batas na mahalaga sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), bago matapos ang taon. Sa isang pahayag, sinabi ni BTA Parliament Floor Leader at tagapagsalita na si Atty. Jet Lim, ang katayuan ng batas sa pagdidistrito ng BARMM, na nagsasabing ang parliament ay “nagtatrabaho nang may kasipagan, transparency, at malawak na partisipasyon ng publiko upang maisabatas ang batas sa pagdidistrito.” Napansin…
Read More