AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dumadaan ang bansa sa “pinakamahirap na panahon” dahil sa malawakang operasyon kontra korupsyon na binuksan niya sa SONA, partikular sa flood control anomaly na tinawag niyang “kanser ng lipunan.” Sabi ni Marcos, malaking operasyon ang kailangan para walisin ang kabulukan, pero gaya ng operasyon, tiyak na masakit muna bago gumaling. “May hirap ngayon, at humihingi ako ng paumanhin sa taumbayan. Pero kailangan natin itong pagdaanan para tayo’y makaahon at makabangon,” pahayag ng Pangulo, na sinabing matatag ang Pilipino at mabilis babawi. ’24/7 kontra…
Read MoreDay: December 5, 2025
DUDA NA GINAGAMIT LANG ICI SA DAMAGE CONTROL LUMAKAS
HINDI na nagulat si Caloocan City Rep. Edgar Erice sa biglaang pagbibitiw ni dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson mula sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa mga pagdududa na gagamitin ito para sa ‘cover-up’. “I was not surprised, we exchanged text messages. He feels that, why would he allow himself and his family the risk and sacrifice their privacy to solve the problem of Malacañang, family feud and trying to find who stole from government,” ani Erice. Sa kanilang palitan aniya ng text messages, sinabi umano ni Singson…
Read MoreEndgame NG PCO sinopla ng solons ISYU SA ‘KULIMBAT’ PARA KINA PBBM, ROMUALDEZ IMBESTIGAHAN MUNA
SINUPALPAL ng ilang kongresista ang Malacañang matapos ihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na nalalapit na ang “endgame” sa imbestigasyon sa flood control corruption scandal kahit napakarami pang bigatin ang hindi man lang naimbestigahan. “Hindi ito ang hustisyang inaasahan ng taumbayan,” ani Kabataan party-list Rep. Renee Co, sabay banat na maraming alegasyon ang hindi pa rin binubusisi kabilang ang sinasabing P2 bilyong monthly kickback na umabot umano sa P56 bilyon para kina dating House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa dating kongresistang si…
Read MoreTARGET NG BI: UBUSIN NATITIRANG POGO OPS SA BANSA
TINIYAK ng Bureau of Immigration (BI) na hindi na muling makapagtatatag ng illegal online gaming activities ang dalawang Chinese nationals na naaresto ng Fugitive Search Unit sa Parañaque. Kinilala ang mga ito bilang sina Wu Huifu at Li Yong. Ayon sa BI, may mga warrant of arrest ang dalawa mula sa Chinese authorities dahil sa pagpapatakbo ng ilegal na online gambling platforms. Sangkot si Wu sa operasyon ng maraming overseas gambling websites na umabot sa kalahating milyong biktima at nakalikom ng higit 8.6 milyong Chinese yuan mula sa manipulasyon ng…
Read MoreMARCOS JR. SA MEDIA: TUMULONG PALAGANAPIN ANG LABAN SA FAKE NEWS
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media na tulungan ang publiko na maunawaan ang mga reporma ng gobyerno, na aniya’y mahirap ipaliwanag sa karaniwang mamamayan na hindi nakatuon sa mga istruktural na usapin. Nagpasalamat ang Pangulo sa mga mamamahayag, lalo na sa Malacañang Press Corps (MPC), sa kanilang papel sa pagpapaliwanag ng mga komplikadong polisiya sa nakalipas na tatlo’t kalahating taon. Binigyang-diin niya na mahalaga ang media bilang katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay-kaalaman sa publiko. “So I thank all the members of the Malacañang Press Corps, because you…
Read More6 NA TAON KULONG SA ABUSADONG EMPLOYERS
HINDI lang multa ang kakaharapin ng mga mapang-abusong amo ng online workers kundi makukulong pa nang hanggang anim na taon kapag naipasa ang panukalang Protektadong Online Workers, Employees, Riders, at Raketera o POWERR Bill sa Mababang Kapulungan. Ito’y nakasaad sa House Bill 6572 na inihain nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendana, Dadah Ismula, kasama si Dinagat Islands Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao. Ayon sa mga mambabatas, dumarami ang kabataan at kababayan na kumikita bilang online workers, entrepreneurs, riders at iba pang “raketera,” pero hindi sapat ang proteksiyong natatanggap nila…
Read MoreP45.77-M DROGA NASAMSAM NG PDEA
INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakasamsam sa P45.77 milyong halaga ng ilegal na droga sa loob ng isinagawang isang linggong operasyon sa buong bansa simula Nobyembre 21. Nagresulta rin ito ng pagkakaaresto sa 73 drug suspects. Kabilang sa mahahalagang anti-narcotics operation ang pagkakakumpiska sa 115 gramo ng umano’y shabu at pag-aresto sa apat na suspek sa Iloilo City; pagkasabat sa 1,395.65 gramo at 1,079.19 gramo ng shabu sa Tacloban, Leyte; buy-bust operations sa Davao provinces na nakakuha ng 169,575 gramo at 500 gramo ng shabu; interception ng…
Read MoreTREASURER’S OFFICE NG NAIC MUNICIPAL HALL, NILOOBAN
CAVITE – Nilooban ng hindi pa nakilalang magnanakaw ang Treasurer’s Office ng munisipyo ng bayan ng Naic sa lalawigan. Nag-iimbentaryo pa kung magkano ang halaga ng cash na tinangay ng suspek na pumasok sa Treasurer’s Office ng Naic Municipal Hall sa Barangay Ibayo Silangan, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, noong Lunes, Disyembre 1, bandang alas-8:30 ng umaga nang matuklasan ang panloloob sa nasabing tanggapan, gayunman, alas-12:42 ng hapon noong Miyerkoles nang i-report ito sa pulisya. Nabatid sa imbestigasyon, pinasok ng ‘di nakilalang suspek ang nasabing tanggapan sa pamamagitan ng pagsira…
Read More2 MENOR DE EDAD NALUNOD SA CAVITE
CAVITE – Dalawang menor de edad ang iniulat na nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Dasmariñas City at Naic sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina alyas “Kervin”, 12, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, at “Prinxe”, 16, ng Naic, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-2:45 ng hapon noong Miyerkoles, habang naliligo sa ilog sa Sitio Silangan, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, ay nakita ng kanyang kasama si Kervin na lumulubog. Tinangka umano nitong sagipin ang biktima ngunit tuluyan itong lumubog. Samantala, naligo ang biktimang si Prince kasama…
Read More