TREASURER’S OFFICE NG NAIC MUNICIPAL HALL, NILOOBAN

CAVITE – Nilooban ng hindi pa nakilalang magnanakaw ang Treasurer’s Office ng munisipyo ng bayan ng Naic sa lalawigan.

Nag-iimbentaryo pa kung magkano ang halaga ng cash na tinangay ng suspek na pumasok sa Treasurer’s Office ng Naic Municipal Hall sa Barangay Ibayo Silangan, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat, noong Lunes, Disyembre 1, bandang alas-8:30 ng umaga nang matuklasan ang panloloob sa nasabing tanggapan, gayunman, alas-12:42 ng hapon noong Miyerkoles nang i-report ito sa pulisya.

Nabatid sa imbestigasyon, pinasok ng ‘di nakilalang suspek ang nasabing tanggapan sa pamamagitan ng pagsira sa bintana ng pantry area. Nang nakapasok ay tinangay ang ‘di pa nabatid na halaga ng cash.

Nakipag-coordinate naman ang pulisya sa Municipal Hall Security Office para sa CCTV footage upang mabatid ang pagkakakilanlan at posibleng pag-aresto sa suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

30

Related posts

Leave a Comment