2 SUNDALO PATAY, SIBILYAN SUGATAN SA SAGUPAAN

SAMAR – Dalawang tauhan ng Philippine Army ang namatay sa pagtatanggol sa mga sibilyang naipit sa labanan sa Barangay Baclayon, sa bayan ng San Jose De Buan, sa lalawigan noong Miyerkoles. Kinumpirma ng Army 8th Infantry (Stormtroopers) Division ang pagkamatay ng dalawang sundalo habang nakikipagbakbakan sa nalalabing kasapi ng Communist NPA Terrorists sa lalawigan ng Samar na ikinasugat ng isang sibilyan. Nangyari ang sagupaan sa gitna ng isinasagawang security operation ng mga sundalo laban sa New People’s Army remnants kasunod ng validated reports na kanilang nakalap mula sa mga residente…

Read More

P60-B ‘DI NINAKAW, ‘DI PINANG-BAHA: FAKE ISSUE KAY RECTO, NABASAG

NILINAW ng Department of Finance (DOF) na walang basehan ang mga paratang na ang P60 bilyong pondo ng PhilHealth noong 2024 ay ni-divert para sa flood control, na itinuturo kay dating Finance Secretary at ngayo’y Executive Secretary Ralph Recto. Ayon sa DOF, hindi hawak ng ahensya ang flood control at wala rin silang kapangyarihang magbadyet para rito. Ito ay responsibilidad ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Ipinaliwanag ng DOF na ang P60 bilyong remittance ng PhilHealth ay nakasaad sa General Appropriations…

Read More

PNP SUPORTADO PLANONG PAGBIBIGAY NG PABUYA LABAN KAY ZALDY CO

SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang ideya na pag-aalok ng pabuya para mapabilis ang pagdakip kay dating AKO-Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, matapos ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang law enforcement operations, palakasin ang intelligence coordination, at papanagutin ang mga puganteng may mabibigat na kaso. Ayon kay acting PNP chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa Office of the President kaugnay ng posibilidad ng reward system para kay Co. Naniniwala…

Read More

AGRICULTURAL SMUGGLING, NANANATILING BANTA SA NATIONAL SECURITY

BINALAAN ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pamahalaan hinggil sa patuloy na paglaganap ng agricultural smuggling, na tinawag niyang direktang banta sa seguridad ng pagkain at katatagan ng bansa. Iginiit ni Pangilinan na matagal nang sistematiko ang pagpapahina sa lokal na sektor ng agrikultura dahil sa talamak na pagpupuslit ng produktong agrikultural. Binigyang-diin niya na winawasak ng agricultural smuggling ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda at dinudurog ang lokal na produksyon ng pagkain. Dahil dito, nagiging mas mahirap para sa Pilipinas na pakainin ang lumalaking populasyon, lalo na sa…

Read More

KREDIBILIDAD NG OSG MABABAHIRAN SA PAGBALIGTAD SA ISYU NG ICC

PUMALAG ang kampo ng mga Duterte matapos paboran ng Supreme Court En Banc ang pagbabalik ng Office of the Solicitor General (OSG) bilang abogado ng gobyerno sa kaso ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam kay Atty. Israelito Torreon, abogado ng mga Duterte, sinabi nitong mababahiran ang kredibilidad ng OSG dahil bigla nitong binaligtad ang dati nitong posisyon na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas. “Ang problema rito, galing mismo sa OSG dati ang posisyon na walang ICC jurisdiction. Ngayon biglang baligtad. Paano mo ipapaliwanag…

Read More