NAGSIMULA nang kumilos ang mga itinalagang tracker team ng Philippine National para tuntunin ang kinaroonan ni Sarah Discaya, may-ari ng St. Timothy Construction, at iba pang inaakusahang sangkot sa “ghost” flood control project sa Davao Occidental. Inihayag kahapon ni PNP chief Jose Melencio Nartatez, Jr., na nakapaloob sa kanilang isinasagawang paghahanda sa inaasahang paglalabas ng arrest warrant laban kina Discaya at iba pang dawit sa multimillion ghost project sa Davao Occidental. Ayon kay Gen Nartatez, bukod sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa iba pang concerned security agencies ng gobyerno ay inalerto…
Read MoreDay: December 7, 2025
2025 CHRISTMAS STAMPS INILUNSAD NG PHLPOST
INILUNSAD ng Philippine Postal Corporation (PHLPost), sa pangunguna ni Postmaster General Maximo Sta. Maria III, kasama sina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Vice Mayor Chie Atienza, ang 2025 Christmas Stamps, tampok ang “The Nativity”—isang makulay na paglalarawan ng kapanganakan ni Jesus Christ na inspirado sa mga minamahal na tradisyon ng Pasko ng Pilipino. Ginanap ang paglulunsad ng selyo kasabay ng seremonya ng “Pailaw ng Pasko sa Kartilya ng Katipunan” (City Hall Park) noong Biyernes, Disyembre 5. Isang “Pagkilala sa Pananampalataya at Tradisyon ng Pilipino”, ang tampok na likhang-sining…
Read MoreBOC, NBI NAGTULUNGAN PARA SA RECOVERY NG UNDELIVERED BALIKBAYAN BOXES
UPANG mabigyan ng pag-asa ang nasa 12,000 overseas Filipino workers (OFW) na makuha ang undelivered balikbayan boxes ng recipients nationwide, nagbigay ng suporta ang ahensiya ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Balikbayan and OFW Action Center (BOAC), sa pagsasampa ng kaso laban sa Makati Express Cargo, Inc. (MECI) sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Disyembre 4, 2025. Nabatid na itinatag ang BOAC bilang bahagi ng kampanya ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno upang pangalagaan ang interes ng mga OFW at palakasin ang mga sistema na magarantiyahan…
Read More3 HVIs TIMBOG SA P600K KUSH SA TAYTAY, RIZAL
RIZAL – Tatlong hinihinalang high-value drug personalities ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Rizal Provincial Office at PNP Regional Intelligence Unit 4A–Provincial Intelligence Team sa Barangay San Isidro, sa bayan ng Taytay sa lalawigan noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina “Gabriel”, 30, residente ng Brgy. San Isidro, Taytay; “Rionna Marie”, 28, mula Balayan, Batangas; at “Ayaboy”, 37, residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City. Nalambat ang grupo matapos umano nilang bentahan ng kush ang isang operatibang nagpanggap na buyer. Sa…
Read MoreMAPANG-ASAR NA SEKYU BINARIL NG KABARO
CAVITE – Kritikal ang kalagayan ng isang 53-anyos na security guard nang barilin ng kabaro na nagalit dahil sa madalas niyang pang-aasar sa Munisipyo ng Kawit nitong Linggo ng madaling araw. Isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital ang biktimang si alyas “Delvin” ng Brgy. Legaspi, Kawit, Cavite, nasa kritikal na kalagayan dahil sa tama ng bala sa kaliwang sentido. Naaresto naman ang suspek na si alyas “Nino”, 28, ng Brgy. Tabon l, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa munisipyo ng Kawit sa Brgy. Bating Dalig, Kawit, Cavite…
Read MoreKABATAAN BINANATAN SI VP SARA SA ‘STAFF ERROR’ SA LAPTOPS
“SABIHAN mo kapatid mo na humarap sa imbestigasyon.” Ito ang mensahe ni Kabataan party-list Rep. Renee Co kay Vice President Sara Duterte, matapos umano nitong tila magpalusot sa panibagong isyu ng overpricing sa Office of the Vice President (OVP) kabilang ang mga computer na nagkakahalaga ng P3.916 milyon. Ayon sa COA records, 13 unit ang binili, na lumalabas na P301,230 bawat laptop, subalit depensa ng OVP ay nagkaroon umano ng “staff error” at maling nailista ang item. “Staff error ba or blatant corruption? Hindi kapani-paniwala na may taong maglilista ng…
Read MoreDOH, MEDIA, MEDICAL SOCIETIES, STUDENTS SANIB-PWERSA KONTRA HIV
INAASAHANG mas lalakas pa ang kampanya at serbisyo kontra human immunodeficiency virus (HIV). Ito’y matapos na magsama-sama ang Department of Health (DOH), mga college student, media, grupo ng Love Yourself, Pilipinas Shell Foundation (PSFI), Sustained Health Initiatives of the Philippines (SHIP), at medical societies tulad ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, para paigtingin pa ang laban kontra sa naturang karamdaman. Ang aktibidad ay ginanap sa Lyceum of Alabang, sa Muntinlupa City. Isinagawa ito alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. Layunin nitong mas palawakin pa ang…
Read MorePara mapalakas ang local tourism sa 2026 TULFO: PRESYO NG DOMESTIC FLIGHT TICKETS PABABAIN
MULING nanawagan si Senador Erwin Tulfo sa Department of Tourism (DOT) na paigtingin ang pagpapababa ng presyo ng domestic flight tickets para makipagsabayan sa mga kalapit na bansa sa Timog-Silangang Asya, na nakararanas ng pagtaas ng bilang ng international tourists. Matatandaang una itong inihain ni Tulfo sa Senate plenary debates para sa 2026 DOT Budget, kung saan sinabi niya na “Mas gusto ng ating mga mamamayan na magtungo sa Hong Kong o Taiwan dahil mas mahal ang one-way ticket papuntang Batanes o one-way ticket papuntang Tawi-Tawi kumpara sa round-trip ticket…
Read MorePAGHARAP NI SANDRO SA ICI ITINURING NI GOITIA NA KATAPANGAN
NAGPAKITA ng tikas at tapang si House Majority Leader Sandro Marcos matapos kusang humarap sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kahit walang subpoena at hindi itinuturing na akusado. Kusang dumalo ang batang Marcos sa ICI para sagutin ang mga isyung ibinato kaugnay ng umano’y budget insertions na nabanggit ni dating kongresista Zaldy Co. Mariin niyang tinawag na “walang batayan” ang paratang at sinabi pang mas mabuti itong harapin nang direkta kaysa gawing circus sa pulitika. Sa gitna ng mga pagdinig na karaniwang nauuwi sa sigawan at drama, nanatiling kalmado si…
Read More