DPA ni BERNARD TAGUINOD “KOSA” na ang tawagan ng mga congressman na nasasangkot sa anomalya sa flood control projects at mga congressman na nagnenegosyo sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kapag sila ay nagkikita sa session hall. Nagtatawanan ang mga congressman kapag nagtatawagan daw sila ng “kosa” na tawagan ng mga bilanggo pero pinaganda kaya tinatawag ngayon bilang Person Deprived of Liberty as in PDL, at nakikitawa naman sa kanila ang iba na medyo malinis pa. Sana nga lang magdilang anghel ang mga congressman na nagtatawagan ng “kosa’…
Read MoreDay: December 10, 2025
NAKADIDIRI O NAKATATAWA? IKAW ANG BAHALA
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY kumalat na video online na talagang napahinto ako. Isang babae na content creator ang nagluto ng kambing, tapos kinain niya sa camera ‘yung tinawag niyang itlog o bayag ng hayop. Sa caption niya pa mismo, sinabi niyang iyon daw ang pinakamasarap na parte. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiilang. Sa unang kagat pa lang, ramdam ko na ang kilabot. Marami ring nanonood ang natahimik bigla. May mga nandidiri. May mga natawa dahil hindi nila alam kung ano ang ire-react. May mga…
Read MoreMAY KAGAGAWAN SA PAGLILIPAT NG P60-B PONDO NG PHILHEALTH PANAGUTIN
PUNA ni JOEL O. AMONGO DAPAT may managot sa mga miyembro ng Bicameral Conference Committee (Bicam) na lumagda sa 2024 national budget, dahil sila umano ang nagbukas ng daan para mailipat ng Malacañang ang P60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ito ang nagkakaisang sinabi ng Makabayan Bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isyu ng P60 bilyong pondo ng Philhealth na inilipat sa National Treasury na pinaghihinalaang ginamit umano sa maanomalyang flood control projects. Inilabas ng grupo ang pahayag kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na idineklarang…
Read MorePASSPORT NI ZALDY CO KANSELADO NA
KANSELADO na ang pasaporte ni dating Ako Bicol partylist representative Zaldy Co, ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang video message kaugnay ng imbestigasyon sa mga kwestiyonableng flood control projects. “Maibabalita ko po sa inyo na ang passport po ni Zaldy Co ay kanselado na,” anunsyo ng Pangulo, na iginiit na hindi pwedeng magtago sa abroad ang mga hinahabol ng pamahalaan. Inatasan ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs (DFA) at PNP na makipag-ugnayan sa mga embahada sa iba’t ibang bansa upang bantayan ang galaw ng mga sangkot.…
Read MoreTRUTH COMMISSION SA EJK PINATATATAG SA KAMARA
NAGSANIB-PWERSA ang hanay ng tinaguriang Pinklawan at militanteng mambabatas upang itulak ang imbestigasyon sa extrajudicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war on drugs at maging sa anti-insurgency campaign. Pinangungunahan nina Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima, Kabataan party-list Rep. Renee Co, Gabriela party-list Rep. Sarah Elago, Caloocan Rep. Edgar Erice, Albay Rep. Cielo Krisel Lagman, Kamanggagawa party-list Rep. Elijah San Fernando, ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio at Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr. ang paghahain ng House Bill 6686 o “Truth Commission on Extrajudicial Killing Act.” Kasabay nito,…
Read MoreTRAVEL AUTHORITY NI POLONG HINAHARANG
UMAPELA si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na huwag payagan ang hinihinging travel authority ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte para sa pagbiyahe sa 17 bansa habang naka-sesyon pa ang Kongreso. “Nananawagan tayo sa Speaker na huwag naman pahintulutan iyan kasi tingin ng publiko abuso ito eh, na pinapasuwelduhan ang mga elected representatives bilang public servant,” sinabi ni Tinio sa isang ambush interview kahapon. Sa liham ni Duterte kay Dy, nakasaad na bibiyahe siya mula December 15, 2025 hanggang February 20,…
Read MoreP681-M PUSLIT NA SIGARILYO NASAMSAM NG PHIL. NAVY
UMABOT sa P681 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa isinasagawang sustained maritime operation ng mga tauhan ng Philippine Navy sa bahagi ng Mindanao mula buwan ng Agosto hanggang bago matapos ang taong 2025, ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Q. Ezpeleta, PN. Ito ay makaraang maharang ng Western Mindanao Naval Command (WMNC) ng Philippine Navy ang dalawang lantsa na may lulan na humigit kumulang sa 6,000 master cases ng undocumented foreign-brand cigarettes na may pinagsamang halaga…
Read MoreSa pagkamatay ng estudyante sa leptospirosis.. 7 CALOOCAN COPS SINIBAK NG NAPOLCOM
IPINAG-UTOS ng National Police Commission (Napolcom) ang pagsibak sa serbisyo sa pitong police officer ng Caloocan City Police kaugnay sa napabalitang pagkamatay ng estudyanteng si Dion Angelo Dela Rosa sa leptospirosis sanhi ng paglusong nito sa baha dahil sa paghahanap sa ikinulong na ama. Sa ginanap na press briefing nitong Miyerkoles, inihayag ni Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Commissioner Rafael Vicente Calinisan, nakitaan ng Commission en banc ng sapat na batayan para papanagutin ang mga sangkot na pulis dahil sa kanilang grave misconduct, grave dishonesty, incompetence, oppression, at conduct…
Read More648 DENGUE CASES, 4 NAMATAY NAITALA SA QC
NAKAPAGTALA ang Quezon City government ang 648 na bagong kaso at apat na namatay na may kaugnayan sa dengue mula Nobyembre 17 hanggang Disyembre 4. Nabatid sa ulat, sa pangkalahatan ay may kabuuang 10,609 na kaso ang naiulat sa lungsod mula Enero 1 hanggang Disyembre 4 o pagtaas ng 1,880 mula noong Oktubre 7. Ayon sa isang post sa social media noong Martes, hinimok ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang mga residente na humingi ng agarang konsultasyon sa mga unang senyales ng dengue, tulad ng lagnat, sakit ng ulo…
Read More