CLICKBAIT ni JO BARLIZO ILANG tulog na lang at Pasko na, pero imbes na saya, puro gigil ang nararamdaman ng marami. Habang pilit pinagkakasya ng pamilyang Pilipino ang pang-P500 na Noche Buena, nananatiling palaisipan kung bakit tila mabagal ang pag-usad ng imbestigasyon laban sa mga sinasabing may kinalaman sa malalaking anomalya sa national budget. Saan nga ba magpapa-Pasko ang dating Speaker na si Martin Romualdez? Si Ombudsman Boying Remulla, na minsang nagbigay ng matapang na pahayag tungkol sa mga posibleng magpa-Pasko sa kulungan, ay tila nagiging mas maingat kapag ang…
Read MoreDay: December 11, 2025
YORME ISKO INILABAS P171.9-M PENSYON PARA SA 28,364 MAHIHIRAP NA SENIORS
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KAMAKALAWA ay inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na 28,364 senior citizen na mahihirap sa lungsod ang makatatanggap ng kabuuang P171,957,000 na benepisyo ng social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sumasaklaw sa Hulyo hanggang Disyembre 2025. Makatatanggap ang bawat benepisyaryo ng P6,000, na nakatakda ang pamamahagi sa Disyembre 11, 12, at 13 sa pamamagitan ng isang koordinadong pagsisikap sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng pambansang pamahalaan. Nakalista ang lahat ng mga tatanggap sa ilalim ng…
Read MoreJANET LIM NAPOLES AT SARAH DISCAYA PAREHONG-PAREHO
RAPIDO ni PATRICK TULFO MAIHAHALINTULAD si Sarah Discaya sa orihinal na reyna ng korupsyon at nakakulong na ngayon sa Women’s Correctional Facility na si Janet Lim Napoles. Bukod sa pareho silang babae at ina ng tahanan, pareho rin nilang niloko ang gobyerno sa kanilang mga proyekto. Kapwa silang may ghost projects. Si Napoles ay gumamit ng mga pekeng NGO kaya hindi nai-deliver ang mga proyekto na pinondohan ng perang galing sa pork barrels ng ilang mambabatas. Samantalang nakasuhan na rin itong si Sarah Discaya sa ghost projects sa Davao Oriental…
Read MoreCONNECTIONS
HOPE ni GUILLER VALENCIA CONNECTIONS is the name of the game in any culture; Asian, European, American, Arabian etc. Nangangahulugan din ang connections ng contacts, friends, networks, links, associates, acquaintances, relations, or influences. Dr. Robert Puff, PhD. in his Meditation for Modern Life: Staying connected to our friends is a key factor in finding our happiness. Sang-ayon ako kay Dr. Puff na mas masaya kapag connected ka sa mga nasa kapangyarihan, especially sa mga politician, government officials or businessmen. Meaning money! Sa Pilipinas, proven na kapag connected, friends, associates or…
Read More2 TULAK ARESTADO SA MAHIGIT P1-M SHABU
CAVITE – Mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang big time tulak na kapwa nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (26) at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek na sina alyas “Arturo” at “Boss”, kapwa HVI. Ayon sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa Ilang-ilang…
Read MoreCHICKEN RESTO NILOOBAN NG DATING SEKYU
CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang dating security guard na ‘person of interest’ sa panloloob sa isang kilalang chicken restaurant sa Bacoor City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Adrian”, dating security guard ng chicken restaurant sa Molino Boulevard, Barangay Mambog 4, Bacoor City, Cavite. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang nasabing restaurant sa pamamagitan ng pagsira sa roll-up window malapit sa generator saka itinulak nito ang glass door papasok sa loob. Nang nakapasok, tinangay nito ang ilang gadgets at generator set…
Read MoreMas matindi sa kalamidad CORRUPTION BANTA SA DEMOKRASYA
MAS malala umano ang eskandalong bumabalot sa flood control projects kaysa mismong mga kalamidad at ang patuloy na banta ng political dynasties sa demokrasya. Ito ang mariing pahayag ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima matapos sabihin ng Malacañang na walang public calamity o emergency na pwedeng gamiting basehan para sertipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang reform bills. “Hindi ba emergency itong biggest corruption scandal sa kasaysayan? At hindi rin ba emergency na ang pagkasira at patuloy na banta sa ating demokrasya dahil sa political…
Read MorePolong bumanat muli sa BBM admin TOTOONG REPORMA HINDI PAPOGI SA PULITIKA
KINUTYA ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang apat na reporma, kabilang ang anti-political dynasty bills, na ipinaprayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso. Aniya, tila bigla lamang naisip ng Pangulo ang mga ito upang maibsan ang pressure na kinahaharap ng administrasyon. “Alam mo, every time na mainit ang usapan tungkol sa mga isyu na mas mabigat para sa administrasyon, naa-amaze na lang ako sa administrasyon na ‘to,” ayon sa social media post ng mambabatas. Bukod sa anti-political dynasty bill, inutusan ni Marcos ang dalawang kapulungan na unahin…
Read MoreCHINESE NATIONAL TIMBOG SA ILLEGAL ACTIVITIES
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 50-anyos na Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, dahil sa paglabag sa Immigration Law at umano’y pagkakasangkot sa ilegal na mga aktibidad. Kinilala ng BI ang dayuhan na si Shi Chaoqun, inaresto ng mga operatiba ng BI Intelligence Division noong Disyembre 5. Nabisto ang naturang indibidwal matapos niyang tangkaing umalis ng bansa. Ayon sa BI, ang impormasyon mula sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform (CAFAR) sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, ang…
Read More