OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG overseas Filipino worker (OFW) na si Nimfa Domingo, 35-taong gulang, mula sa Santa Rosa, Laguna at nagtatrabaho bilang housemaid sa Al Khubar, Saudi Arabia, ang humihingi ng agarang tulong mula sa mga kinauukulan matapos umanong makaranas ng pang-aabuso mula sa kanyang employer. Si Domingo ay dumating sa Saudi Arabia noong Setyembre 17, 2025 at kasalukuyang nasa ilalim ng employer na si Meshal Arshad A. Alsaleh. Ayon sa salaysay ng OFW, siya ay madalas sigawan nang walang sapat na dahilan, hindi binibigyan ng…
Read MoreDay: December 14, 2025
2 ABOGADO NG BI, MAGBAGO NA KAYO!
BISTADOR ni RUDY SIM ILANG araw na lang at muling ipagdiriwang ng mas maraming pamilyang Kristiyano ang kapanganakan ni Hesus, sa dalawang sitwasyon ng mga taong may kaya sa buhay at sa mga dukhang may kaunting handa sa Pasko na pagkakasyahin ang limandaang piso. Lahat ng halos mga Pilipino ay nakaranas mula sa kabataan, na makatanggap ng pamasko at ang buong pamilya ay magkakasama sa Noche Buena hanggang sa pagdiriwang ng pagsalubong sa papasok na Bagong Taon. Dahil ang ating bansa ngayon ay dumaraan sa matinding krisis ng kahirapan dahil…
Read MoreBUMABAHA NG AYUDA SA MAYNILA SA ILALIM NI MAYOR ISKO MORENO!
TARGET ni KA REX CAYANONG MULING pinatunayan ng pamahalaang lungsod ng Maynila na ang tunay na pamamahala ay hindi nasusukat sa dami ng proyektong nakikita sa kalsada, kundi sa kabutihang idinudulot nito sa tunay na buhay ng mga tao. Sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno, sinimulan ang pamamahagi ng mahigit P243 milyong financial assistance para sa mga PWD, solo parent at senior citizen na nakalista sa DSWD, isang hakbang na nagpapatibay sa pangakong walang Manileñong maiiwan. Hindi simpleng ayuda ang ipinagkakaloob ngayon. Ito ay malinaw na pagpapatunay na nakikita ng…
Read MoreFPJ LEGACY, PATULOY NA IPINAPAALALA NG MGA ORIHINAL NA TAGASUPORTA
MULING nagsama-sama ang mga orihinal na tagasuporta ni Fernando Poe Jr. (FPJ) upang ipagdiwang ang kanyang buhay at alaala—patunay na kahit 21 taon na ang nakalipas mula sa kanyang pagpanaw, nananatiling buhay ang pagmamahal at paninindigan ng mga taong unang naniwala at tumindig sa kanya. Pinangunahan ni Raymond “Manolo” Mercedes, matagal nang tagasuporta ni FPJ, ang pagtitipon ng mga dating miyembro ng FPJPM. Sa ilalim ng Bagong Umaga Movement, patuloy nilang isinasabuhay ang diwa ng serbisyo at paninindigan na itinanim ni FPJ. Dumalo rin sina Rez Cortez at Don Remo,…
Read MorePAGTATATAG NG NATIONAL GUARD IKINASA NG ARMY
PINASIMULAN na ng Philippine Army 2nd Infantry Division (2ID) ang pagtatatag ng National Guard, na itinuturing na hudyat ng pagwawakas ng CAFGU era, kasunod ng ginanap na Donning of Ranks and Patch Ceremony sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal. Ayon sa 2ID, ang hakbang ay tanda ng isang makasaysayang pagbabago sa auxiliary force ng dibisyon, matapos opisyal na ilunsad ng Army 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang kanilang National Guard. Sa ilalim ng kapangyarihan ng 2ID, maaari umanong i-redesignate ang mga personnel hanggang company-sized units, kabilang ang mga dating kabilang…
Read MoreDOT NAKIPAGTULUNGAN PARA SA FLIGHT INCENTIVES SA CEBU
NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism sa Cebu Pacific at Hotel, Resort, and Restaurant Association of Cebu Inc., (HRRACI) upang mag-alok ng flight incentives at accommodations promos upang makaakit ng mas maraming bisita sa Cebu matapos ang mga nagdaang kalamidad. Ang pagtutulungan ay isinapormal noong Biyernes sa pamamagitan ng memorandum of understanding na nilagdaan sa paglulunsad ng “Visit Cebu” campaign. Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, ang inisyatibo ay layon na makatulong na ma-revive ang tourism activities at suportahan ang local businesses at mga manggagawa. Sa ilalim ng kasunduan, ang foreign…
Read MoreTumitinding bangayan ‘SCRIPT’ NI TINIO BINIRA NI POLONG
UMIINIT ang bangayan nina Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio matapos resbakan ng una ang militanteng mambabatas na kumuwestiyon sa kanyang pag-iikot sa 17 bansa. “Tinio, ano ba talaga ang ipinaglalaban mo? Kasi sa nakikita ng tao, hindi prinsipyo ang hawak mo kundi script na iniabot sa’yo,” pahayag ni Duterte, kung saan inakusahan niya si Tinio ng pagbubulag-bulagan umano sa mga katiwalian ng administrasyong Marcos habang mariing binabatikos ang pamilyang Duterte. Tinanong din ni Duterte kung si Tinio umano ang nakaatas na manguna…
Read MoreANTI-DYNASTY, ANTI-BALIMBING PAPASPASAN SA KAMARA
HINDI lamang ang panukalang anti-political dynasty ang isasailalim sa marathon hearings ng House committee on suffrage and electoral reform kundi pati na rin ang panukalang batas laban sa mga tinaguriang “political butterflies” o mga politikong balimbing. Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng komite, magsasagawa sila ng lingguhang pagdinig simula Enero upang mapabilis ang pagtalakay sa mga panukalang batas na nakabinbin sa kanilang tanggapan. “Ang gagawin natin, by January, ang nais ng aking committee ay magkaroon ng weekly committee hearing para mapadali itong lahat na nairefer…
Read MoreKasunod ng pananakit sa Pinoy fishers NAVY PINARERESBAK NA SA WPS
NANAWAGAN si Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na panahon na para aktibong umeksena ang Philippine Navy (PN) sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng umano’y pag-atake ng China Coast Guard (CCG) sa mga Pilipinong mangingisda sa Escoda Shoal. Ayon kay De Lima, hindi na lamang Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatarget ng China kundi maging ang mga sibilyang mangingisda sa loob mismo ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. “China is now after our civilian fisherfolk. This is all happening within our own EEZ. It is high…
Read More