Matapos ang bawas-singil sa kuryente noong nakaraang buwan, inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong araw ang panibagong tapyas na P0.1637 kada kWh, kaya bumaba sa P12.9508 kada kWh ang overall rate para sa isang pangkaraniwang pamilya ngayong Enero. “Sa ikalawang sunod na buwan, bumaba ang kabuuang singil sa kuryente. Umaasa kami na makatutulong ito sa aming mga customer sa pagsisimula ng bagong taon,” ani Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga. “Para sa mga customer na may karaniwang konsumo na 200 kWh kada buwan, katumbas…
Read More