P105.5-M PUSLIT NA YOSI NASAMSAM SA BATAAN

BATAAN – Tinatayang mahigit P105 milyong halaga ng puslit na mga sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa isang compound sa Brgy. Santa Isabel, Dinalupihan sa lalawigan noong Enero 9. Ayon sa BOC, kargado ng humigit-kumulang 1,030 Master cases ng sigarilyo ang 12 sasakyan sa loob ng compound na may tatak na Modern, RGD, Nise Baisha, HP, Power, Carnival, Playboy at President. Ayon sa paunang imbestigasyon, mula umano sa China, Vietnam at Korea ang mga produkto at planong ipakalat sa Regions II at III. Binigyang-diin ni Nepomuceno na…

Read More

“MAHIYA NAMAN KAYO!”

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI UNAHIN NATIN itong narinig kay PBBM noong kanyang ika-apat na State of the Nation Address (Sona) nitong nakaraang Hulyo, 2025. Dito nagsimulang mabuyangyang ang multi-bilyong pisong anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Nangako ang pangulo na mananagot at maparurusahan ang mga kasangkot sa panderekwat sa pondo ng gobyerno – korap na opisyales ng DPWH, kontratista, at iba pang kasabwat na mga nanunungkulan sa pamahalaan. Pagkalipas ng anim na buwan, dismayado ang taong-bayan dahil wala pang kinakasuhan…

Read More

HUSTISYA SA WOWEE MARKET VENDORS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IPINOPROTESTA ng mga manininda ng Wowee Market sa Pasay City ang anila’y hindi makatarungang pagpapasara sa kanila ng lokal na pamahalaan. Nitong Lunes, sinugod nila ang Pasay City Hall upang hilingin ang muling pagbubukas ng nasabing palengke. Para sa mga vendor, ang pagpapanumbalik ng kanilang kabuhayan, at pagkilala sa kanilang karapatang mabuhay ang kanilang mga pamilya ang nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob. Batay sa pahayag ng grupong Socialista, ang sinapit ng mga vendor, driver, at manggagawa ng Wowee Market ay bunga umano ng panggigipit…

Read More

MAHIGIT 10 PANG SASAKYAN NI DATING CONG. ZALDY CO, WANTED SA HPG!

RAPIDO ni PATRICK TULFO NASA labing-apat (14) na sasakyan na ni dating Congressman Zaldy Co ang kasalukuyang hawak ngayon ng Highway Patrol Group (HPG). Sa bisa umano ng search warrant, nakuha ng HPG ang 14 na sasakyan na umano’y pag aari ng dating congressman, at mahigit sa 10 pa ang hinahanap. Ilan umano sa mga ito ay nakapangalan sa construction business ni Co na Sunwest. Pinabulaanan naman ni Atty. Rundain, abogado ni Co na pag-aari ni Co ang ibang mga sasakyan na hinahanap ng HPG, pero nagsabi itong itu-turnover nila…

Read More

‘Yang mga gahaman at mapagsamantala sa pera ng bayan

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KUNG talagang seryoso ang sinomang nanunungkulan sa gobyerno sa kasalukuyan ay panahon na po marahil na magwalis-walis ang mga ito sa loob at labas ng kanilang tahanan. Iyon po ang nakikitang solusyon ng inyong abang lingkod para magkaroon ng tahimik na kalooban si Juan Dela Cruz, ang mailagay sa basurahan at maitapon at masunog ang mga basura ng pamahalaan. Graft and corruption, pandarambong, pang-aabuso sa poder, kapabayaan at kainutilan sa serbisyo publiko at marami pang iba — ang mga ito po ang mga problema.…

Read More

REMULLA KUMAMBYO SA EXTRADITION VS ZALDY CO

BINAWI ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang nauna nitong pahayag na iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pag-apply ng formal application para sa extradition treaty sa Portugal kaugnay ng pag-aresto sa dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Sa phone interview ng mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC), nilinaw ni Remulla na pag-aaral pa lamang ang direktiba ng Pangulo. “Let me clarify. The President instructed to study the possibility of applying for extradition of Zaldy Co with Portugal. Pinag-aaralan pa namin kasi ang magulo dito ay…

Read More

HERNANDEZ AT MENDOZA ‘DI TINANGGAP SA WPP – DOJ

HINDI kailanman tinanggap sa Witness Protection Program (WPP) sina dating DPWH-Bulacan engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza. Ito ang paglilinaw ng Department of Justice (DOJ), kasabay ng iginiit na hindi rin sila mga covered witness o provisionally admitted sa nasabing programa. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, ang tanging mga dating opisyal ng DPWH na provisionally admitted sa WPP ay sina dating DPWH Engineer Henry Alcantara at dating DPWH–NCR Regional Director Gerard Opulencia. Ang dalawa ay una nang nagsauli ng milyun-milyong pisong sinasabing nakulimbat mula sa maanomalyang flood control…

Read More

Solon sa panibagong VP Sara impeachment PANAGUTIN MUNA SI ZALDY CO

IGINIIT ni Navotas Rep. Toby Tiangco na kung may unang dapat panagutin ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa usapin ng katiwalian, ito ay si dating congressman Zaldy Co at hindi ang ibang indibidwal. Ito ang pahayag ni Tiangco sa gitna ng ulat na nakatakdang sampahan muli ng impeachment complaint si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kwestiyonableng paggastos sa kanyang confidential funds. “Kung sa araw na kami ay magdedesisyon at wala pang napapanagot na big fish doon sa House of Representatives, halimbawa ay hindi pa napapanagot si Zaldy Co, para…

Read More

PALAKI NANG PALAKI BUDGET PERO MALAYO PA RIN ANG GINHAWA

TAON-TAON, lumalaki ang pambansang badyet. Laging may kasamang mga salitang “pinalakas”, “pinahusay”, at “makasaysayan.” Sa papel, mukhang maayos ang direksyon. Pero sa labas ng mga sesyon at talumpati, iba ang pakiramdam ng pang-araw-araw na buhay. Mataas pa rin ang presyo ng bilihin. Mahirap pa ring pagkasyahin ang sahod sa pagkain, upa, pamasahe, at matrikula. Hindi ramdam ng maraming pamilya ang sinasabing pagbuti ng ekonomiya. Sa halip, mas malinaw ang pagod – pagod sa mahal na presyo at paulit-ulit na pangakong giginhawa rin ang sitwasyon. Ganito rin ang pakiramdam sa mga…

Read More