HIGIT 1.3M NAGPAREHISTRO PARA SA 2026 BSKE – COMELEC

MAHIGIT 1.3 milyong aplikante na ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Batay sa datos na ibinahagi ng Comelec, hanggang Enero 18, 2026, umaabot na sa 1,356,410 indibidwal ang nakapagparehistro upang makaboto sa 2026 BSKE. Sa bilang na ito, 718,457 ay kababaihan habang 637,943 naman ang kalalakihan. Mula sa kabuuang bilang ng mga registrant, 1,028,835 ang regular voters na edad 18 pataas, habang 327,575 naman ang kabilang sa Sangguniang Kabataan (SK). Sa SK voters, 322,402 ang mga bagong nagparehistro.…

Read More

20 baril kasamang isinurender BONG REVILLA SUMUKO SA CIDG

(TOTO NABAJA/JESSE RUIZ) ISINUKO ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang 20 lisensyadong baril sa Philippine National Police (PNP) kasabay ng kanyang boluntaryong pagsuko sa CIDG sa Camp Crame nitong Lunes ng gabi. Ito ay kasunod ng paglalabas ng warrant of arrest ng Sandiganbayan kaugnay ng umano’y P92.8 milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, boluntaryo ang pagsuko ni Revilla ng kanyang mga armas alinsunod sa umiiral na batas. Inamin din ng kalihim na personal niya umanong hinikayat ang dating senador…

Read More

DOJ, BI: WALANG KUMPIRMASYON NA NAKATAKAS NA SI ATONG ANG

WALA pang kumpirmadong impormasyon na nakalabas na ng Pilipinas ang negosyanteng si Atong Ang, na itinuturing na most wanted kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pa silang natatanggap na opisyal na ulat na umalis na ng bansa si Ang, sa kabila ng mga kumakalat na balita na umano’y nakatakas na ito. “Sa ngayon, wala pa kaming kumpirmasyon na nakalabas na ng Pilipinas si Atong Ang,” ani Martinez. Ang pahayag ay kasunod ng alegasyon ng isang whistleblower na naniniwala…

Read More

MGA ARMAS NG NPA NADISKUBRE SA SIERRA MADRE

QUEZON – Nadiskubre ng mga sundalo ang isang cache ng armas na umano’y pagmamay-ari ng New People’s Army (NPA), sa bahagi ng Sierra Madre malapit sa boundary ng mga lalawigan ng Quezon at Rizal noong Linggo, Enero 18. Ayon sa militar, nahukay ng mga ng tropa ng 80th Infantry Battalion sa ilalim ng 202nd Infantry Brigade, ang mga armas sa Barangay Tanauan, Real, Quezon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen. Narekober sa lugar ang isang M1 Carbine rifle, isang improvised M16 rifle, isang hand grenade, 616 na…

Read More

GUWARDIYA BINARIL SA ESKWELAHAN

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang lalaking sakay ng isang itim na Mitsubishi Mirage na suspek sa pamamaril sa isang guwardiya sa guardhouse ng isang eskuwelahan sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa isang ospital si alyas “Rener” habang kinilala ang suspek na si alyas “Romeo”. Ayon sa ulat, bandang alas-10:40 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang guardhouse sa loob ng Rosario Institute sa Brgy. Sapa 1, Rosario, Cavite. Ayon sa salaysay ng isang saksi, magpapahinga na sana siya nang…

Read More

PINAKAMALAKING ACE HARDWARE SA ASYA PINASINAYAAN

OPISYAL na binuksan ng ACE Builders ang pinakamalaking tindahan nito sa Asya sa SM City Baliwag noong Enero 16, 2026. Dumalo sa ribbon-cutting ceremony sina (mula kaliwa pakanan): SM City Baliwag Mall Manager Rodora Tolentino; SM Retail Inc. President Jonathan Ng; Baliwag City Mayor Sonia Estrella; Ace Hardware Philippines Inc. Director JV Cobankiat; AHPI Business Unit Head Alvin So; Ace International Sales Director Calvin Kim; at AHPI Vice President for Supply Chain Alex Kho. PORMAL nang binuksan sa publiko ang pinakamalaking ACE Hardware hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong…

Read More

“PAYE”

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI AYAW ko na sanang pumaksa ng kung anoman na may kaugnayan sa lumalawak at patuloy na graft and corruption sa ating gobyerno. Manhid na ako. Nakasusuka na. Dahil kahit na ano pang dakdak na paepal ng mga awtoridad sa ating pamahalaan – Malakanyang, Senado, Kongreso, DOJ, Ombudsman etc. – wala ring nangyayari. Mahigit kalahating taon na pagkatapos na ibulgar ni PBBM ang muli-bilyong pisong dekwatan sa flood control projects ng DPWH, wala pang kinakasuhan at itinatangkal sa kulungan na malalaking tao sa gobyerno.…

Read More

DH SA KUWAIT INUMBAG NG KAPWA OFW DAHIL SA TRABAHO

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP HUMINGI ng tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) na si Aida Aliñabon, 50-taong gulang, may asawa, at dating domestic worker, matapos umano siyang makaranas ng pisikal na pananakit at pang-aabuso habang nagtatrabaho sa Kuwait. Ayon sa salaysay ni Aida, dumating siya sa Kuwait noong Abril 25, 2025. Sa una niyang employer, tumagal lamang siya ng tatlong buwan dahil hindi umano niya kinaya ang trabaho sa pag-aalaga ng limang bata. Bumalik siya sa ahensya at kalaunan ay nailipat sa panibagong employer na may…

Read More

DATING USEC BERNARDO, PURO PARATANG LANG

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAGKAROON ng face-off ang nag-aakusa at mga inaakusahan sa isinagawang Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Lunes. Sa naturang pagdinig ay mariing itinanggi ng negosyanteng si Maynard Ngu ang mabibigat na paratang ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo. Naging mahalagang pagkakataon ang pagdinig para kay Ngu upang diretso niyang itanggi ang paratang na tumanggap umano siya ng P160 milyon at P280 milyon mula sa flood control projects. Hindi rin naiiba ang tindig ni dating DepEd Usec. Trygve Olaivar. Ang alegasyon na humingi raw siya ng 15…

Read More