DPA ni BERNARD TAGUINOD WALANG Pilipino ang nagulat sa rebelasyon ni Russian vlogger Vitaly Zdorovetskiy ukol sa corruption sa kulungan ng Pilipinas na kanyang personal na naranasan habang siya ay nakakulong dahil sa pagiging undesirable alien. Magugulat lang ang mga tao kapag sinabi ni Zdorovetskiy na walang corruption siyang naranasan dahil isang himala ‘yun kaya hindi na malaking isyu ang kanyang sinabi na nagbayad siya kaya nakapag-record siya sa loob ng kulungan. Matagal nang alam ng mga Pilipino ang katiwalian sa kulungan kasama na ang pinatatakbo ng Bureau of Immigration…
Read MoreDay: February 9, 2026
IMPEACHMENT VS VP SARA DUTERTE PULITIKA ANG DAHILAN
PUNA ni JOEL O. AMONGO OBYUS na pulitika ang dahilan kaya nais ipa-impeachment ng dalawang grupo si Vice President Inday Sara Duterte at pigilan ito na makatakbo sa 2028 Presidential Election. Kabilang sa mga grupo na nais patalsikin si VP Duterte ay sina Rep. Antonio Tinio, Liza Masa, Leila De Lima, Antonio Trillanes, Kiko Aquino Dy, ang apo ni dating Pangulong Cory Aquino. Naniniwala ang mga Pilipino na ang layunin ng dalawang grupo sa kanilang paghahain ng impeachment laban kay VP Duterte ay para palakasin ang kanilang grupo at pahinain…
Read MoreDIPLOMASYA SA USAPIN NG WPS
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SA aking pananaw, mas makabubuti sa ating bansa na maging kaibigan natin ang China dahil kapitbahay natin sila. Bukod sa kapitbahay natin sila ay isa ring maituturing na malaking business partner ng Pilipinas ang China dahil sa rami ng kanilang mga produkto na pumapasok sa ating bansa. Hindi rin madamot ang China sa Pilipinas, sa katunayan kamakailan lamang ay pinasinayaan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., ang Bukana Bridge sa Davao City na ibinigay lamang at walang babayaran ang gobyerno ng Pilipinas sa China. Minsan,…
Read MoreAFP WALANG ISUSUKONG KAHIT ISANG PULGADA NG TERITORYO NG PILIPINAS
MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anomang mungkahing isuko ang alinmang bahagi ng teritoryo ng bansa sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China. Ito ang pahayag kahapon ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad kasunod ng mungkahi ni Senador Rodante Marcoleta na mas mainam umanong isuko na lamang ang Kalayaan Island Group (KIG). “Throughout history, the Armed Forces has never wavered in performing this mandate and we have proven it time and again,” pahayag ni RAdm.…
Read MoreREPORMANG PANG-LABOR, ITINUTULAK NI CAYETANO SA GITNA NG PAGDAMI NG WALANG TRABAHO
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ng agarang reporma sa labor sector kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 2.26 milyon ang bilang ng walang trabaho noong Disyembre 2025 mula sa 2.25 milyon noong Nobyembre. Mas mataas din ito kumpara sa 1.63 milyon na naitala noong Disyembre 2024. Ayon kay Cayetano, kabilang sa nakikita niyang solusyon ang reporma sa sahod, mas matibay na proteksyon sa manggagawa, at pagtugon sa matagal nang problema sa labor system…
Read More‘WADER’ IKINASA SA MAYNILA LABAN SA LEPTOSPIROSIS
BILANG paghahanda sa paparating na tag-ulan, naglaan ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng karagdagang proteksyon laban sa leptospirosis para sa mga kawani at frontline workers. Sa flag-raising ceremony nitong Lunes, Pebrero 9, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na nag-acquire ang lungsod ng mga tinatawag na “wader” upang mabawasan ang panganib ng exposure sa nakamamatay na sakit lalo na sa panahon ng baha. “May nakita akong ginagamit sa Europa na nagbibigay ng additional protection sa ating mga kapwa manggagawa at lingkod bayan,” ani Domagoso. Aminado ang alkalde na may kamahalan…
Read MoreGOITIA NANAWAGAN NG MATIBAY NA PANININDIGAN SA SOBERANYA NG PILIPINAS
NANAWAGAN si Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia sa publiko na maging mapanuri sa mga kumakalat na pahayag sa social media kaugnay ng West Philippine Sea na umano’y nagpapahina sa soberanya ng bansa. Binigyang-diin ni Goitia na panahon na umano ngayon ng linaw at matibay na paninindigan sa gitna ng mga naratibong nagdudulot ng pagdududa sa karapatan ng Pilipinas sa karagatan. “Kapag ang pagdududa na walang batayan ay tinatanggap bilang normal, ang pag-iingat ay nagiging anyo na ng pagsuko,” ani Goitia. Ipinaliwanag niya na magkaiba ang West Philippine Sea at ang…
Read More3 MENOR DE EDAD, 2 PA HULI SA DINEKWAT NA P.3-M COPPER CABLE WIRE
CAVITE – Nadakip ang dalawang menor de edad at dalawang kasapakat nila sa aktong ikinakarga sa kanilang sasakyan ang tinangay na underground copper wires sa Imus City noong Linggo ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Onyok”, “Kinito” at “Ron”, pawang mga menor de edad, at alyas “Jerry”, 36, at “Ana”, 21-anyos. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga roving guard ng PLDT band dakong alas-3:21 ng madaling araw sa…
Read More9 SUGATAN SA FIRECRACKERS SA PRUSISYON SA QUEZON
QUEZON – Siyam na miyembro ng Barangay Malabanban Norte Elementary School lyre band, kabilang ang limang menor de edad, ang nasugatan nang tamaan ng mga paputok habang nakikilahok sa prusisyon para sa Mahal na Birhen ng Caysasay noong Linggo ng hapon sa bayan ng Candelaria. Agad silang inilikas at dinala sa ospital. Agad din silang na-discharge na matapos malapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN) 23
Read More