NAIWASAN ng barkong pandigma ng Philippine Navy ang posibleng banggaan sa isang warship ng China People’s Liberation Army (PLA) Navy malapit sa Pag-asa Island noong Marso 25, 2026. Sa ulat ng Western Command (WESCOM) ng Armed Forces of the Philippines, nakasalubong ng BRP Benguet ang Chinese missile frigate habang nagsasagawa ng lehitimong operasyon. Ayon sa WESCOM, nagsagawa ang Chinese vessel ng mapanganib at hindi propesyonal na maniobra matapos itong lumapit at dumaan sa napakalapit na distansya. Tinukoy ng militar na paglabag ito sa Convention on the International Regulations for Preventing…
Read MoreDay: March 28, 2026
OPERATOR NG NI-RAID NA SABUNGAN, PLANONG KASUHAN ANG CIDG
PINAG-AARALAN ng operator ng ni-raid na sabungan sa Tondo, Maynila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagsagawa ng operasyon noong Marso 25, 2026. Ayon kay Alvin de Leon, operational staff ng Coliseo de Manila, wala umanong nakuhang ebidensya ang CIDG kaya naglabas ang Manila Prosecutor’s Office ng resolusyong “referred for further investigation” (RFI), na nagresulta sa pagpapalaya sa 28 empleyado ng sabungan. Kinuwestiyon din ng mga empleyado ang patuloy na pagbabantay ng mga nakasibilyang pulis sa lugar kahit na wala…
Read MoreP65.7-M AYUDA, IPINAMAHAGI NG NHA SA 2,331 BIKTIMA NG SUNOG SA QC
NAMAHAGI ang National Housing Authority (NHA) ng kabuuang P65,720,000 tulong pinansyal sa 2,331 biktima ng malawakang sunog sa kahabaan ng NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP). Personal na pinangunahan nina NHA General Manager Joeben A. Tai at Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte ang pamamahagi ng cash grants noong Marso 26, 2026 sa Risen Garden, Quezon City Hall. Ayon kay Tai, layunin ng ayuda na matulungan ang mga benepisyaryo na makabangon at makapagsimulang muli matapos ang insidente. “Sa direktiba ng Pangulong Ferdinand…
Read More