22 TIMBOG SA ILEGAL SABONG SA PAROLA

HINDI na nakaalpas ang 22 indibidwal na umano’y pawang mga sabungero nang salakayin ng mga awtoridad ang isang tupadahan sa Parola Compound, Tondo, Manila noong Linggo ng tanghali.

Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit ng Manila Police District, kay Police Brigadier General Andre Perez Dizon, bandang alas-12:35 ng tanghali noong Linggo nang salakayin ang tupadahan sa loob ng Gate 7, Parola Compound, Area – A, Barangay 20, sakop ng Tondo.

Ayon kay Major Purisima, isang impormasyon ang kanilang natanggap hinggil sa nasabing tupadahan.

Bunsod nito, sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing lugar na nagresulta sa pagtakbuhan ng mga sabungero ngunit naaresto ang 22 katao.

Ang mga arestado ay nahaharap sa kasong illegal gambling. (RENE CRISOSTOMO)

148

Related posts

Leave a Comment