MULING nakapagtala ng 25 na namatay dahil sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 22, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.
Ayon sa ulat, 13 ang patay sa Caloocan City at 1,724 na ang active cases. Pumalo na sa 24,405 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 21,984 na ang gumaling at 697 na ang namatay.
Anim naman ang patay sa Valenzuela City at 1,230 ang active cases makaraang 148 ang gumaling ngunit 167 naman ang nagpositibo.
Sumampa na sa 16,255 ang nasapol ng pandemya sa siyudad, at sa bilang na ito ay 14,632 na ang gumaling at 393 na ang namatay.
Namatay naman ang apat sa Navotas City at 949 ang active cases matapos na 42 ang gumaling at 39 ang nagpositibo.
Umakyat na sa 10,055 ang confirmed cases sa lungsod, kung saan 8,793 na ang nakarekober at 313 na ang binawian ng buhay.
Sumipa naman sa 384 ang pandemic fatalities ng Malabon City matapos na dalawang pasyente ang igupo ng virus. Umabot naman sa 51 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 11,642 na ang positive cases sa siyudad, 626 dito ang active cases.
Habang 116 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at 10,632 ang recovered patients. (ALAIN AJERO)
