252 GHOST FLOOD CONTROL PROJECTS NATUKOY NG MILITAR

UMAKYAT na sa 252 ghost projects ang natutukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang tumutulong ito sa malawakang imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) kaugnay ng multi-billion peso flood control scandal.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margaret Padilla, inatasan ang militar na tumulong sa pagbusisi sa humigit-kumulang 30,000 infrastructure projects na sakop ng imbestigasyon. Sa ngayon, mahigit 10,000 questionable projects pa lamang ang kanilang nalilibot, katuwang ang Philippine National Police, gamit ang mga isinumiteng coordinates ng project sites.

At sa bilang na iyon, 252 na ang kumpirmadong ghost projects na mga proyektong sinasabing nakapailalim mula pa 2016 hanggang kasalukuyan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“And it turned out that around 252 of these na naikot namin are ghost projects from 2016 to present. Patuloy po kaming nag-iinspect to complete the required 30,000,” ani Padilla.

Sa pinakabagong update, may 60 pang proyekto ang nadagdag sa kanilang listahan at isinasapinal na ang report na isusumite sa ICI na inaasahang magpapabilis sa pag-usad ng imbestigasyon.

Dumadalo rin sa mga hearing si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, bilang bahagi ng technical working group on asset recovery and case build-up.

“So siya po mismo ang nagpunta doon to show how the Armed Forces of the Philippines truly values the work of the ICI para din po mapabilis na nga po talaga itong ano, saloobin nating lahat na gusto po nating.. malagyan po.. matuldukan po itong issue na ito,” ani Col Padilla.

(JESSE RUIZ)

83

Related posts

Leave a Comment