28 BAKUNADO BINIGYAN NG BISIKLETA SA NAVOTAS

UMABOT sa 28 nagsipagtapos ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ng Bidahan Program ng Navotas Anti-Drug Abuse Council ang pinagkalooban ng mga bagong bisikleta.

Malugod na binati ni Mayor Toby Tiangco ang mga benepisyaryo ng Bikecination Project ng Department of Labor and Employment.

Kasama rin sa natanggap nila ang cellphone, P5,000 halaga ng load, helmet, kapote, tumbler, at delivery bag.

Ani Tiangco, ang mga benepisyaryo ay fully vaccinated, at bilang insentibo sa kanilang pagpapabakuna, napili silang bigyan ng tulong pangkabuhayan. (ALAIN AJERO)

158

Related posts

Leave a Comment