29 REBELDE SA MINDORO NAGBALIK-LOOB SA GOBYERNO

cpp npa12

(NI CYRILL QUILO)

CAMP Capinpin,Tanay,Rizal- Umaabot sa 29 rebelde ang boluntaryong sumuko sa mga sundalo at pulis.

Sa pinagsanib na pwersa ng 4th Infantry Battalion,203rd Brigade at San Jose Police sa Occidental Mindoro ay nahikayat na magbalik-loob sa gobyerno ang mga taong sumusuporta sa mga makakaliwang grupo o CPP-NPA.

Sa 29 sumukong NPA, 18 dito ay Mangyan, Buhid Tribe, mga miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) at Milisyang Bayan (MB) na nagsisilbing espiya,tagabigay ng pagkain ,taga kolekta ng buwis at recruiter ng mga NPA, ayon kay Col.Marcelino V. Teofilo,Commander ng 203rd Infantry Brigade sa Mindoro.

Nagdesisyon silang magbalik- loob sa gobyerno dahil sa mga Community Support Program (CSP) sa Geographically Isolated and Disadvantage Areas GIDA’s.

Patuloy at hindi humihinto ang tropa ng militar hanggang sa silang lahat ay mapasuko na.

Lubos din ang pagsisi ng mga rebelde dahil sa mapalinlang at mapagsamantalang NPA sa mga mahihirap at mangmang na kababayan na nagsisilbing utusan at taga dala ng armas ng mga rebelde.Nilalason ang utak upang matutong mag aklas laban sa gobyerno dahil pagaaral ng kurso tulad ng Batayang Kurso Partido BKP,Espesyal na kursong Masa (ESKUM) at Araling Aktibista (ARAK).

Ayon kay Lt. Col. Alexander Arbolado, Battalion Commander ng 41B,ang mga sumukong NPA at supporter ay isang manipesto na ang Communist Terrorists Group (CTG) ay hindi na epektibo. Maging mga Indigenous People IP ay alam na ang kanilang taktika.

Patuloy din ang panawagan ng mga sundalo sa mga kamg anak,kaibigan o kakilala na ipaabot ang impormasyon na may pag-asa na magbagong buhay at talikuran na ang marahas na gawain ng mga terororistang NPA.

Naging epektibo ang pagsasagawa ng mga pulis at militar na panghihikayat sa mga LGU’s na maging Peace -Loving ang Mindoro Island, ayon din kay Regional Director Police Brig.Gen.Thomas Apolonario Jr.ng MIMAROPA.

Dahil sa pagkakaroon ng kasunduan sa mga NPA at gobyerno,binigyan din sila programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program E-CLIP, ayon naman kay acting Brig. Gen. Elias Escarcha, ng 2nd Infantry Division at naging matagumpay ang tropa laban sa kalaban dahil mas dumadami ang sumuko at nawalan na ng suporta ang mga tao sa NPA.

273

Related posts

Leave a Comment