3 HULI SA P.3-M SHABU, MARIJUANA SA QC

HULI sa mga operatiba ng Project 4 Police Station (PS-8), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Melchor Rosales, at District Drug Enforcement Unit (DDEU), na pinangunahan naman ni P/Maj. Wennie Ann Cale, ang tatlong drug suspects at nakumpiska ang P384,000 halaga ng shabu at marijuana sa magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa noong Martes ng gabi sa Quezon City.

Sa unang operasyon, ang mga suspek na sina Melanie Grefaldo, 43-anyos, Rowell Mendoza, 27-anyos, ay nahuli ng mga operatiba ng PS-8 makalipas ang ilang buwang surveillance.

Lumalabas sa report na isang undercover operative ang nakipag-deal sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.

Nakipagkita ang posuer buyer sa mga suspek dakong alas-11:45 ng gabi noong Oktubre 5, 2021 sa Conchu St. corner J.P. Rizal St., Brgy. Masagana, Project 4, Quezon City.

Makaraang tanggapin ang marked money ay agad na inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 30 gramo ng shabu na tinatayang P204,000 ang street value, dalawang cellular phones, at buy-bust money.

Samantala, naaresto rin ng mga operatiba ng DDEU ang isang Grab driver na kinilalang si John Kyle Villas, 22-anyos, sa buy-bust operation dakong alas-10:20 ng gabi noong Oktubre 5, 2021 sa Scout Dr. Lascano corner Scout Torillo, Brgy. Sacred Heart, Quezon City.

Nakumpiska sa suspek ang apat na bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 1.5 kilos at tinatayang P180,000 ang halaga, isang cellular phone, isang motorsiklo at buy-bust money.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

150

Related posts

Leave a Comment