3 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NASAGIP NG BI

PAMPANGA – Nasagip ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Clark International Airport (CIA) noong Sabado ang tatlong kababaihan na hinihinalang mga biktima ng human trafficking na umano’y mga seafarer na tinangkang umalis sa bansa.

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr., ang mga pasahero ay naharang sa CIA bago pa man sila sumakay sa flight papuntang Dubai.

Sinabi ni Manahan, ang mga kababaihan ay nagpakita ng mga dokumentong nagsasaad na sila natanggap bilang seafarers na nakatakdang sumakay sa barko sa port ng United Arab Emirates (UAE).

“Our investigation, however, indicate that these women are not really seafarers but were illegally recruited to work as domestic helpers in the emirate,” ani Manahan.

Ibinunyag pa niya na bagama’t ang mga kababaihan ay nagpresenta ng overseas employment certificates (OECs), seaman’s books, employment contracts, letters of guarantee mula sa kanilang umano’y employer, at entry visa sa Dubai, sa pagberipika nabatid na ang visa nila ay nakitang invalid.

“When asked about details on how they acquired their documents, they gave highly inconsistent statements, which prompted the immigration officers to investigate further,” paglalahad pa ni Mahanan.

Sa isinagawa pang beripikasyon, lumabas na ang dalawang babae ay dati nang nagtrabaho bilang mga kasambahay sa UAE at Saudi Arabia.

Idinagdag pa ni Manahan, sa kanilang isinagawang interview sa mga kababaihan, hindi ang mga ito nakapagbigay ng pangalan ng barko na kanilang sasakyan na kumuha sa kanila bilang mga tagalinis.

“Examination of their documents also showed that the ship they were supposed was docked in Labuan, Malaysia at the time of their departure,” banggit pa niya.

Samantala, pinayuhan naman ni Morente ang BI port personnel na maging mapagmatyag laban sa mga kaparehong kalakaran at tangka ng human traffickers na nanamantala ngayong may pandemic para makapambiktima pa ang mga ito ng mga palabas ng bansa.

“These illegal recruiters and human traffickers are taking advantage of the need of some of our kababayan seeking jobs during this pandemic,” ani Morente.

“We advise aspiring OFWs not to fall prey to such schemes, and to always check and double check their documents to ensure that everything is legal,” dagdag pa niya. (JOEL O. AMONGO)

92

Related posts

Leave a Comment