3 HVIs TIMBOG SA P600K KUSH SA TAYTAY, RIZAL

RIZAL – Tatlong hinihinalang high-value drug personalities ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Rizal Provincial Office at PNP Regional Intelligence Unit 4A–Provincial Intelligence Team sa Barangay San Isidro, sa bayan ng Taytay sa lalawigan noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina “Gabriel”, 30, residente ng Brgy. San Isidro, Taytay; “Rionna Marie”, 28, mula Balayan, Batangas; at “Ayaboy”, 37, residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City.

Nalambat ang grupo matapos umano nilang bentahan ng kush ang isang operatibang nagpanggap na buyer.

Sa patuloy na inspeksiyon, nadiskubre pa sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 400 gramo ng pinagsamang damo at high-grade kush na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P600,000.

Nakumpiska rin ang iba’t ibang paraphernalia at ang ginamit na buy-bust money sa operasyon.

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NILOU DEL CARMEN)

12

Related posts

Leave a Comment