3 KALABOSO SA DROGA AT BOGA SA RIZAL

RIZAL – Kalaboso ang tatlo katao kabilang ang tinaguriang “lady pusher” nang masakote sa ilegal na droga at boga sa anti-drug operation sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito.

Sa ulat ni PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay sa tanggapan ni PRO4A-Calabarzon Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala ang mga naaresto na sina Gloria Animas y Taroballes alyas “Glo” umano’y tulak, Wifredo Laguerta y Garing alyas “Jerry Gata” at Racky Sanchez y Teopiz, kapwa ng Brgy. Sta. Ana ng nabanggit na, bayan.

Ayon sa ulat, alas-3:45 ng hapon noong Hunyo 16, isinagawa ng mga operatiba ang buy-bust operation kay alyas “Glo” sa Spain St., Blk. 27, Brgy. Sta. Ana, Taytay na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakuha sa mga ito ang dalawang baril na kalibre .22 at kalibre  .38, isang MC Yamaha Mio, ice plastic bag, pitong transparent plastic sachet ng shabu na naglalaman ng 71 grams na nagkakahalaga ng P480,800, marked money at P5,000 boodle money.  (ENOCK ECHAGUE)

229

Related posts

Leave a Comment