3 KATAO NABUKO SA PEKENG RELO

CAVITE – Napurnada ang bentahan ng relo sa isang Lalamove driver nang nabuking na peke pala ito na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo katao sa Imus City noong Martes ng gabi.

Nakakulong na sa Imus Custodial Center ang suspek na si Marvin John Fidelson, 21; Thomas Edison Pabilona, 20, at isang alyas Pauline, pawang residente ng Bloomfields Alapan 1B, Imus City makaraang ireklamo ni Ramil Cinto Agustine, 44, Lalamove driver, ng Danny Reyes St., Niyog 2, Bacoor City.

Ayon sa ulat ng Imus City Police Station, dakong alas-7:00 ng gabi, nakipagtransaksiyon ang biktima sa mga suspek hinggil sa binibili nitong relo na P2,000 ang halaga.

Ngunit nabatid ng biktima na peke ang ibinenta sa kanyang relo kaya ipinagbigay-alam nito sa himpilan ng pulisya.

Agad namang nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

100

Related posts

Leave a Comment