3 LALAWIGAN UNDER MECQ

ISINAILALIM ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa modified enhanced community quarantine mula Mayo 10 hanggang Mayo 23, 2021 ang mga lalawigan ng Cagayan, Apayao at Benguet.

Ang tatlong nabanggit na lalawigan ay mula sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ang hakbang na ito ng IATF ay batay sa rekumendasyon ng Screening and Validation Committee at nakasaad sa Resolution No. 114-C ng IATF.

Hindi naman kasama sa ilalim ng MECQ ang Baguio City.

Sa ulat, tuloy lang sa kasalukuyang lockdown classification ang punong rehiyon ng Pilipinas bilang pagtugon ng gobyerno sa krisis ng coronavirus disease (COVID-19) – sa kabila ng unang mungkahi na “flexible” o “hybrid” modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ang bagong quarantine classifications ay epektibo simula ika-1 hanggang ika-31 ng Mayo, bagay na pwede pang iapela ng mga local government units.

Sakop ng nasabing MECQ ang mga sumusunod na lugar: NCR Plus bubble (hanggang ika-14 ng Mayo lang); City of Santiago, probinsya ng Quirino, probinsya ng Abra. (CHRISTIAN DALE)

168

Related posts

Leave a Comment