3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA NATOVAS

TATLONG COVID-19 patients ang namatay sa Navotas City noong Pebrero 19 habang lumobo sa 174 ang active cases matapos na 17 ang magpositibo sa swab test at apat lamang ang gumaling.

Umabot na sa 5,821 ang nasapol ng pandemya sa lungsod. Sa bilang na ito ay 5,461 na ang gumaling at 186 ang namatay.

Isa namang COVID-19 patient ang namatay sa Valenzuela City at umakyat muli sa 190 ang active cases lungsod matapos na 12 ang magpositibo sa nasabi ring petsa.

Walang naitalang nakarekober sa naturang araw, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit.

Sumampa na sa 9,760 ang kumpirmadong kaso sa lungsod at dito ay 9,297 na ang gumaling at 273 ang namatay.

Samantala, nabatid sa Malabon City Health Department na 21 ang nadagdag na confirmed cases noong Pebrero 19 at 6,579 na ang positive cases sa Malabon, 179 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Baritan (3), Catmon (3), Dampalit (3), Longos (2), Niugan (4), Potrero (2), Tañong (2), Tinajeros (1) at Tonsuya (1).

Sa kabilang banda, 16 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Ang mga ito ay mula sa Barangay Catmon (1), Ibaba (1), Longos (5), Muzon (1), Potrero (4), Tinajeros (1), Tonsuya (2) at Tugatog (1).

Sa kabuuan ay 6,150 ang recovered patients ng Malabon at nananatiling 250 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)

291

Related posts

Leave a Comment