3 OPISYAL NG BICOL POLICE MASISIBAK SA POOR PERFORMANCE

POSIBLENG mapalitan sa pwesto ang tatlong opisyal sa Bicol Region dahil sa kakulangan sa kanilang performance.

Kasunod ito ng pagbisita sa Bicol nitong weekend ni PNP chief, PGen. Nicolas Torre III, kung saan nakita umano nito ang mga pagkukulang ng ilang opisyal doon.

Napansin ni Torre na bigong mag-supervise ang Provincial Director sa kanyang mga tauhan dahil hindi ito marunong mag-radyo.

Aniya, bilang ground commander, dapat ay marunong ang mga Regional Director, Provincial Director at Chief of Police na magbigay ng “command.”

Kung kailangan umanong gamitan ng “micromanagement” ang mga tauhan ay dapat gawin ito para epektibong maibaba ang utos.

Samantala, iginiit ng hepe ng Pambansang Pulisya na dapat ay palaging may dalang radyo ang mga commander sa ground para mayroong contact sa kanilang unit.

(TOTO NABAJA)

19

Related posts

Leave a Comment