SUGATAN ang tatlong magkakabarkada matapos pagbabarilin ng dalawang lalaking matagal na umano nilang kaalitan sa Malabon City noong Miyerkoles ng gabi.
Kaagad na isinugod sa pagamutan ang mga biktimang sina Alfredo Garing, 58; Diosdado Lorenzo, 58, at Dennis Llenado, 32-anyos.
Ayon kay Malabon Police chief, P/Col. Albert Barot, pinapanood ni Garing ang paglalaro ng chess ng mga kaibigan sa Blk. 4, Kadima dakong alas-11:30 ng gabi nang biglang dumating ang mga suspek na sina Alfredo Cruz, 37, at Marlon Garganta, 38, at pinagbabaril ang mga biktima.
Sa kabila ng mga sugat, nakatakbo ang mga biktima habang tumakas ang mga suspek.
Sinampahan na ng kasong multiple frustrated murder ng pulisya ang mga suspek na tinutugis ng mga awtoridad. (FRANCIS SORIANO)
184
